Advertisers
NASAWI ang isang Grade 10 student nang saksakin ng nakaaway na estudyante sa Caloocan City.
Dead on the spot ang biktima, habang ginagamot sa ospital ang tatlo pa kungsaan isa ang kritikal.
Ayon kay Police Captain Romel Caburog, nangyari ang insidente 12:00 ng tanghali sa Barangay 172, Caloocan.
Nabatid na unang nam-bully ang salarin sa biktima sa loob pa lamang ng paaralan dahil sa agawan sa electric fan.
Sa report, upang makaganti, inabangan ng biktima at grupo nito sa labas ng iskul ang salarin na armado ng kutsilyo.
Kasunod nito, nagpang-abot ang grupo ng biktima at mga salarin hanggang sa ilabas ng Grade 10 ang kanyang kutsilyo at hinalihaw ng saksak ang biktima at ka-grupo nito.
Nadakip ang salarin, at inamin ng ina nito na nagdadala ng kutsilyo ang anak para umano sa ‘self defense’.
Inihahanda na ang kaso laban sa salarin.(Beth Samson)