Advertisers

Advertisers

IPAGMALAKI PINOY AKO SA LAHAT NG DAKO!

0 2,159

Advertisers

Sa bawat pagbigkas ng sinuman ang mga katagang PINOY AKO ay nangangahulugang ipinagmamalaki ang pagiging isang tunay na PILIPINO.., na dapat ay maipadama ang pagmamalasakit sa mga kababayan saan mang sulok sa ating mundo tayo mapadpad ay mapairal ang pagtutulungan tulad sa inilulunsad ng grupong PINOY AKO PARTY LIST na nagpapadama ng pagkalinga sa ating mga katutubo.

Nitong Sabado (November 16, 2024) ay nagsagawa ng FREE MEDICAL MISSION ang PINOY AKO PARTY LIST na pinangunahan ni 3rd NOMINEE ATTY. GIL VALERA kasama ang ARYA sa pag-asiste sa halos 300 mga AETA na isinagawa ang programa sa COVERED COURT ng BARANGAY BUENO, CAPAS, TARLAC.

Mayorya sa mga AETA ay nagmula pa sa SITIO HOT SPRING na katatagpuan ng mga bukal ng mainit na tubig na ayon sa mga katutubo ay isang oras na lakaran mula sa bundok upang makabahagi sa inilunsad na programa ng PINOY AKO PARTY LIST.., na ang mga ito ay nabahaginan ng mga bigas at food packs bukod pa sa pagpapa-medical check-up ng mga ito.



Ang medical team na nirepresenta ni DR. SHARINA M. SAMONTE ay inuna ang mga matatanda na sinuri ang kanilang health condition.., gayunman ang ilan sa mga katutubo na kinakailangan dapat sumailalim sa hospital check-up ay tumatanggi na karaniwang nasasaksihan nating nakagawian ng mga nasa malalayong lugar ang kinokontento ang sarili sa paggamit ng mga herbal medication.., dahil karaniwang ikinatatakot ng mga katutubo ay ang malaking bayarin kapag magpasuri ang mga ito sa ospital kasi nga po ay kapos sila sa aspetong pinansiyal.

Si ATTY. VALERA naman ay namahagi ng kaniyang calling cards sa mga INDIGENOUS PARENTS upang kung ang mga ito ay may kinakaharap na suliranin patungkol sa kanilang mga inookopahang lupa ay maaari silang makipag-ugnayan sa kaniya upang maasistehan sa mga usaping legalidad lalo na sa karapatan ng mga katutubo sa ating bansa.

Isa sa mga isusulong ng PINOY AKO PARTY LIST sakaling palarin ang mga ito na maluklok sa KONGRESO sa tulong mga botante ay ang mapataas ang mababahaging kita ng mga INDIGENOUS PEOPLE (IP) mula sa mga pagmimina.., na ang 3% na nababahagi ng mga katutubo ay mapataas hanggang sa 20% alinsunod sa isinasaad ng REPUBLIC ACT No. 8371 o mas kilala sa INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS ACT OF 1997.

Si ATTY. VALERA na kilala rin bilang “DATU TAGAPAGTANGGOL” ay nilalayon din ng kanilang PARTIDO na mapabilis ang proseso ng mga CERTIFICATE OF ANCESTRAL DOMAIN TITLE (CADT) na karaniwang inaabot ng mahigit tatlong taon.., at kasama rin sa kanilang adbokasiya ang mapagtuunan sa pagpapalakas ng batas laban sa mga landgrabber.

Inihayag din ni ATTY. VALERA na maaaring umunlad ang AETA TOURISM kung magiging accessible ang mga likas na yaman ng kanilang mga lugar tulad ng HOT SPRING, MT. PINATUBO at mga LAWA.



Lubos naman ang pasasalamat ni MUNICIPAL COUNCILOR VICTOR VALANTIN na isa itong AETA at dalawang beses nang nahalal sa CAPAS sa tulong ng PINOY AKO PARTY LIST.., na aniya ay malaking ginhawa ito para sa kanilang komunidad lalo na sa mga KATUTUBONG AETAS sa CAPAS na tinatayang nasa 11,000 ang kanilang papulasyon.

***

BLOOD DONATIONS NG CHINESE BUSINESSMEN AT NCRPO PRESS ASSOCIATION!

Bilang pagdamay sa mga nangangailangan lalo na sa mga emergency situation na ang kailangan ay dugo para sa pandugtong-buhay ay nagsagawa ngayon (November 17, 2024) ng BLOOD DONATIONS ang mga bumubuo ng FEDERATION OF FILIPINO CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY INC (FFCCII) na idinaos sa isang gusali sa BINONDO, MANILA.

Ang naturang programa ay umagapay ang iba pang organisasyong tulad ng DUGONG ALAY DUGTONG BUHAY INC., RC RAHA SULAYMAN MANILA at ang NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE PRESS ASSOCIATION (NCRPOPA), mga pulis ng NATIONAL CAPITAL REGION.., na malaking tagumpay itong isinagawang BLOOD DONATION lalo na at nakipagpartisipasyon ang mga pulis mula sa MANILA POLICE DISTRICT at EASTERN POLICE DISTRICT gayundin ng mga sibilyang nakilahok sa pag-donate ng kanilang dugo.

Ayon kay PAT. MELYN LOQUIAS ng DISTRICT COMMUNITY AFFAIRS DEVELOPMENT DIVISION-EPD ay nakasanayan na nila ang pagbibigay ng dugo sa mga isinasagawang bloodletting dahil batid nila na malaking tulong ito sa mga pasyenteng mangangailangan ng dugo.

“Hindi lang peace and order ang concern ng mga pulis subalit maging ang kaligtasan ng buhay ng mamamayan.., maganda rin naman ang dulot nang pagbibigay ng dugo dahil nagiging mas malusog kami kasi nga mas gumaganda ang daloy nito sa ugat,” pahayag ni LOQUIAS.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.