Advertisers

Advertisers

NBA: LaMelo Ball susi sa panalo ng Hornets vs Bucks

0 8

Advertisers

KUMAMADA si LaMelo Ball ng 26 points, kabilang ang 2 free throws sa 7.3 segundong nalalabi, para tuldukan ng Charlotte Hornets ang two-game skid ng daigin ang bisitang Milwaukee Bucks sa manipis na 115-114 Sabado ng hapon sa Spectrum Center.

Hindi naging sapat ang triple-double na narestro ni Giannis Antetokounmpo at sumablay ang potential-winning 18-foot shot sa huling posisyon ng laro. Antetokounmpo umiskor ng 22 points, 15 rebounds at 12 assists habang kumana ng 11-for-22 mula sa floor.

Charlotte’s Miles Bridges umiskor ng 19 points,Josh Green may 15 points,Brandon Miller nagdagdag ng 13 points at Moussa Diabate umayoda ng 12 points at 14 rebounds sa 25 minutong aksyon. Tre Mann nagdagdag ng 11 points.



Taurean Prince kumamada ng 23 points.