Advertisers

Advertisers

NUNS, UST nangingibabaw sa UAAP boys’ volleyball

0 4

Advertisers

NAGTAGUMPAY ang National University Nazareth School (NUNS) at Univeristy of Santo Tomas para patibayin ang kanilang kanya-kanyang kampanya sa twice-to-beat semifinal incentive sa UAAP Season 87 boys volleyball tournament sa Paco Arena sa Manila Sabado.

Dinaig ng NUNS ang Far Eastern University-Diliman, 25-21, 25-23, 26-24, habang tinibag ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines Integrated School,25-12, 25-9, 25-9, upang manateli sa ibabaw ng standings sa 11-1.

Pinamunuan ni Yuan Mendoza ang Bullpups sa iniskor na 15 attacks habang si Herbert Miguel Egger bumkas ng eight attacks,three blocks, at one ace.



Irilis Kasim nagtala ng eight points,kabilang ang two blocks at two aces,habang si John Wayne Dionela nagdagdag ng eight points.

FEU’s Zedrick Dave Calimlim nagtapos ng 17 points on 13 attacks, two blocks, at two aces.

Umiskor siya ng 3 dikit na puntos para ipantay ang bilang sa 21-all sa third quarter.

Kenneth Maliwanag bumakas ng 10 points, nine on attacks, para sa Baby Tamaraws, na lumagapak sa fifth place sa 5-7.

Samantala, ang UST ay pinamunuan ni John Paul bautista, na umiskor ng 11 points on seven attacks,two blocks, at two aces.



Paolo Medino at Erick Perjes nag-ambag ng 10 at eight points, ayon sa pagkakasunod.

Marcos Ellis Bamba umiskor ng 10 points para sa Fighting Maroons, na winless sa 12 outings.