Advertisers

Advertisers

509 Preso ng New Bilibid Prison, binigyan ng parole at executive clemency

0 37

Advertisers

Mapapalaya na ang 509 mga PDL sa ilalim ng Bureau of Correction matapos pagkalooban ng parole at executive clemency ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa anunsyo ni Sec. Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice, ang pagpapalaya sa mga bilanggo kaalinsabay ng pagdiriwang ng 30th National Correctional Consciousness Week. 



Ayon kay Remulla, dahil na rin ito sa pagsisikap ng pamahalaan na mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa. 

Ang mga palalayain na mga PDL ay naging kwalipikadong mabigyan ng parole at executive clemency dahil sa naipakita nitong kabutihang asal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance habang nasa correctional. 

Bukod sa pagpapalaya sa kanila, may isasagawa ring job fair ang Bureau of Correction sa mga nabigyan ng executive clemency.(Jocelyn Tabangcura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">