Advertisers
Ang National Bureau of Investigation (NBI) ang aatasan ng Department of Justice (DOJ) na sumundo sa convicted OFW na si Mary Jane Veloso.
Ayon kay DOJ Secretary Boying Remulla, nakikipag-usap na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para alamin ang proseso ng pagbabalik-bansa ni Veloso.
Ididiretso ito sa Women’s Correctional para roon bunuin ang kanyang sentensya.
Taong 2010 nang mahatulan ng kamatayan si Veloso sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot nito sa drug trafficking.
Matapos ang 14 na taon ng pakikipagnegosasyon sa Indonesian government, pumayag na itong ibalik sa Pilipinas ang pinay.
Sa isa pang pahayag ngayong araw, nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Remulla sa pamahalaan ng Indonesia sa naging desisyon nito sa kaso ni Veloso.