Advertisers

Advertisers

Alohi Robins-Hardy bahagi ng UP volleyball coaching staff

0 7

Advertisers

TINAPIK ng University of the Philippines women’s volleyball team si Alohi Robins-Hardy na maging bahagi ng kanilang coaching staff simula ngayon UAAP Season 87, inanunsyo ito ng Office for Athletics and Sports Development (OASD) Miyerkules.

Ang 28-year-old setter ay nagsimula nang sumali sa praktis ng Fighting Maroons ngayon Linggo. Ayon sa OASD.

Inatasan siyang pangasiwaan ang pagunlad ni playmaker Heart Magsombol.



Ang presensiya ni Robins-Hardy ay malaking dagdag para sa UP team na nagwagi lang ng isang game nakaraang season. maging bahagi siya ng staff ng first-year head coach Benson Bocboc.

Ang team ay binobuo ng competitive roster na pinamumunuan ni Nina Ytang, Nica Celis at Irah Jaboneta, pati ng mga young guns Kianne Olango, Yesha Noceja at Jothea Mae Ramos.

Ang setter ay dapat na maglaro sa Farm Fresh Foxies sa PVL All-Filipino Conference, pero sa huli ay binawalan ang kanyang pagpasok sa liga, at sinabi na dapat siya ay dumaan sa draft sa susunod na taon.

Dati naglaro si Robins-Hardy sa nabuwag na Philippine Super Liga sa United Volleyball Club-Cocolife at sa Cignal.

Sumabak rin siya sa national team sa 2019 Asean Grand Prix.