Advertisers

Advertisers

Dominic iniwan si Sue sa Siargao pero binalikan

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAG-celebrate ang former Bb. Pilipinas 2020 ng kanyang 28th birthday, kamakailan.

Ani Rabiya sa kanyang Instagram Page,



“Feeling blessed at 28! Cheers to the amazing years of my life,” aniya pa, “Learning, growing, and improving.”

Si Rabiya ang representante ng Pilipinas sa 69th Miss Universe, where she finished in the Top 21.

After the pageant ay pinasok ni Rabiya ang showbiz.

***

MULING nakitang magkasama sina Dominic Roque at Sue Ramirez sa Siargao, kamakailan.



Kumalat ang bagong video ng dalawang celebrity na magkasama sa nasabing isla.

Ibinunyag ni Ogie Diaz na bumalik si Dom sa Siargao matapos ang block screening ng pelikula ni Kathryn Bernardo.

Naiwan si Sue sa Siargao simula pa noong Oktubre ayon sa showbiz insider. Wala pang opisyal na pahayag ang DomSue sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Naging usap-usapan sa social media sina Dominic at Sue matapos kumalat ang bagong video nilang magkasama sa Siargao.

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Updates nitong Lunes, ibinahagi ni Ogie ang natuklasan mula sa kanyang source.

“Ayon sa aking source, hindi ko alam kung totoo ito, pero ngayong Nobyembre 18, nasa Siargao ulit si Dominic Roque,” ani Ogie. Agad umanong bumalik ang actor sa Siargao after niyang dumalo sa block screening ng pelikulang Hello, Love, Again bilang suporta sa kaibigang si Kathryn.

Naiwan daw doon si Sue, na matagal nang naroroon simula pa noong Oktubre.

Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic at Sue hinggil sa kanilang isyu.

Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ng aktres.

Dumarami naman ang sumusuporta sa kanila sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.

***

AIAI NAGREAK SA OPEN LETTER NI GAZA

MAY open letter si Xian Gaza para kay AiAi delas Alas na nakapost sa kanyang Facebook.

Eto ang letter ni Gaza para sa komedyanang aktres:

“Madam, may nabuntis na pong iba yung asawa mo. Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year. Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na. Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam. Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po yung buhay single mo. Fling fling na lang. Tikim tikim na lang. Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin. Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay.” — Xian Gaza

Ano kaya ang masasabi dito ni AiAI.

Nabanggit kasi niya sa interbyu ng King of Talk na kaya nakipaghiwalay sa kanya ang mister na si Gerald Sibuyan dahil hindi na raw ito masaya sa piling niya.

And the most ay gusto na raw magkaroon ng anak si Gerald na hindi kayang maibigay ng aktres sa kanya.

Eto ang reaksyon ni AiAi sa open letter ni Gaza: “Christian Albert Gaza PM mo naman ako, di ako maka comment sa Page mo eh hehehe”