Advertisers
MAHIGPIT na ipinagbawal ni Bureau of Corrections (BuCor), Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang paggamit ng social media sa lahat ng pasilidad ng kanilang opisina sa buong bansa.
Ayon kay DG Catapang, layon ng kautusan na mas lalong paigtingin ang seguridad at mapanatili ang propesyunalismo sa loob matapos lamang ang direktibang ‘no cellphone policy’ naunang inanunsyo nito.
Ito ayon sa bucor ay pagbibigay diin sa mga hakbang ng kanilang opisina na bawasan ang mga potential distractions at protektahan ang integridad ng operasyon nito sa loob ng mga correctional institutions.
‘PASAWAY’ NA LALABAG SA PATAKARAN NG BUCOR, KAKASUHAN NG ADMINISTRATIBO
Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor), Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat ng superintendents, directors of operating prisons, at heads of offices nito na tiyaking susunod sa no cellphone and social media policy ang kanilang mga tauhan.
Ayon kay catapang ang sinomang tauhan ng bucor na mapapatunayang lumabag sa kanilang regulasyon ay mahaharap sa karampatang kasong administratibo.
Matatandaan na ipinag utos ni Catapang ang pagbabawal ng paggamit ng socmed at cell phone ng mga tauhan nito sa loob ng lahat ng piitan ng BuCor.
Pero sa kabila nito ay nagbigay naman ng alternatibong pamamaraan ang bucor para sa mga tao nito na makapag usap at makapag padala ng mga sulat.
Ito ay sa pamamagitan ng official BuCor emails, gaya ng Gmail o Yahoo.
Anila, sa ganitong pamamaraan ay magtutuloy-tuloy ang komunikasyon sa BuCor habang nagpapatuloy din ang maayos na security protocols sa kanilang tanggapan. (JOJO SADIWA)