PBBM NAGLUKLOK NG ILANG GOV’T OFFICIALS, DATING NEWS DIRECTOR NG DWIZ KABILANG SA MGA BAGONG APPOINTEES
Advertisers
INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Israel, kapalit ni Pedro Laylo Jr., ang kasalukuyang embahador ng bansa sa nasabing bansa.
Kasabay nito, hinirang din si Emmanuel Fernandez bilang ambassador ng bansa sa Pakistan na may hurisdiksyon sa Afghanistan, habang si Ezzedin Tago ay inilagay bilang Special Envoy of the President to Saudi Arabia na tututok sa mga usapin ng migrant workers.
Sa hanay ng Presidential Communications Office (PCO), ipinakilala ang mga mamamahayag na sina Alex Calda, dating news director ng DWIZ, at Nicole Poyaoan bilang mga bagong directors.
Sa larangan ng enerhiya, hinirang naman si Adrian Ferdinand Sugay bilang Pangulo at Chief Executive Officer ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOCEC).
Samantala, si Ma. Arlene Borja ay naitalaga bilang Executive Director ng Commission on Filipinos Overseas.
Nabatid na naglagay din si PBBM ng mga bagong opisyal sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Ang mga appointees na ito ay inaasahang magbibigay ng karagdagang sigla at kahusayan sa kani-kanilang mga larangan ng serbisyo publiko. (Gilbert Perdez)