Advertisers
HINDI pa naayos ang detalye habang isinusulat ng inyong abang lingkod ang mga detalye, ngunit makakauwi na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos mahatulan ng hukuman sa Jakarta ng kamatayan matapos mahulihan ng 2.6 kilos ng heroin noong 2010, at mahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad noong Setyembre 6, 2022. Subalit, matapos makipag-usap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at bagong pangulo ng Indonesia Prabowo Subianto, napagpasyahan na iuwi si Veloso sa Pilipinas upang dito ituloy ang kanyang sentensya.
Dahil ang Pilipinas ay walang hatol na kamatayan, nagmistulang panibagong buhay ito para kay Veloso. Malayo po ito sa nangyari sa isa pang Pilipina Si Flor Contemplacion. Mapait ang kinagisnan ni Contemplacion na matapos umamin sa pagpatay kay Delia Maga at alaga nitong bata sa Singapore, siya ay hinatulan at binitay. Balik kay Mary Jane Veloso, dahil malayo ang kaso niya na drug smuggling. Wala siyang alam sa naturang heroin, dahil may nagpuslit nito sa maletang hiniram niya. Bagama’t nahatulan siya, nabigyan siya ng panibagong pagkakataon na iwasan ang kalawit ni Kamatayan. Kung totoong wala siyang kasalanan, matutunton din ang tunay na nasa likod ng pagpuslit ng heroin, na bumiktima sa mga OFW.
Opo, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagkapiit kay Veloso, ngunit masaya niyang maidadaos ang Pasko kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. Na buhay na buhay.
***
SA pulitika dito, naglipana ang mga pamilyang hanapbuhay ang maluklok sa posisyon nahalal man o matalaga. Ganito ang kalagayan natin sa isang pamilyang itatago lamang natin sa pamilya Villar ng Las Piñas. Unang umusbong na parang kulugo ang pamilya Villar dahil sa mga Aguilar na naka prente sa larangan ng pamumulitika sa Las Piñas.
Naging matunog ang apelyidong Villar matapos nag factor in sa eksena ang Cynthia Aguilar na napangasawa ang isang nagngangalang Manny Villar. Opo, matapos makakapit ang pamilya Villar ang pulitika sa Las Piñas nagmistulang mga kulugo na nagpasukan ang mga ito, lalo na ang maliit ngunit mala-kulugo na Cynthia Villar. May mga kulugong inaaruga ang pamilya Villar sa katauhan ng ana nito na si Mark Villar, na naging kalihim ng DPWH.
Ang isang inaaruga ay ang anak na si Camille na kamakailan nagviral ang litrato na ikinakabit ang mga tarp niya sa poste ng ilaw gamit ang mga tauhan at equipment ng DPWH. Kilala si Aling Cynthia sa pagiging mapangmata sa mga tao na sa wari niya hindi niya kauri at siya ang nagsisilbing attack dog (attack daga?) ng pamilya Villar, na humantong sa isang nagmistulang “tag team” sa wrestling ang pulitikang Las Piñas.
Kilala si Cynthia Villar na matapobre at hindi sinasanto ang lugar, o tao kapag umiral na ang katarayan niya. Isa sa mga video niya na nagviral ay ang hindi ipinapasok sa isang nakaharang na kalsada ang sasakyan niya. Bumaba si Cunthia Villar at nakikitang binulyawan niya ang mga nakatalagang security guard. Dahil sa ipinakitang kaaskadan ng ugali, nabansagan siyang Cyntianak at Aleng Pangit. Ang pinakahuling pangyayari ay ang komprontahin niya ang isang konsehal sa tatakbo ng kongresista sa Las Piñas.
Matatapos na ang termino niya sa Senado at nagbabalak siyang tumakbo bilang kinatawan sa Camara de Representante uang katawanin ang Las Piñas City. Binulyawan niya ang konsehal na itatago lamang natin sa pangalang Mark Santos. Kitang kita sa isang video na naging viral ang Cynthia Villar na pinagsasabihan at minumura ang naturang konsehal. Itinanggi ni Cynthia Villar ang pangyayari, ngunit may video-evidence. Makikita sa naturang video na nag-react ang pamangkin ni Cynthia si April Aguilar-Nery, bise-alkalde ng Las Piñas. Hindi malaking bagay ang umbagan ng mga pulitiko sa akin, ngunit ito ay nangyari sa loob ng Our Lady of Fatima church sa Philamlife Village, Barangay Pamplona Dos noong Oktubre 13, 2024.
Naposte ito sa social media noong Nobiembre 16, 2024 at naging viral. Ngayon sa maliit na mamamahayag na ito, ang simbahan ay isang banal na lugar at ang pulitika ay hindi dapat pumasok. Pero sa mga katulad ni Cynthia Villar kahit simbahan, walang sagra-sagrado walang lugar na “off-limits. Siya ay Aleng Kulugo, na doble-pangit. Pangit sa ugali at pangit sa hitsura. Huwag na pumayag na ang mga kulugong tulad ni Cynthia Villar ay mamuno.
Kung may isyu kayo sa sinabi ko, dalawa iyan; kasapakat ka o si Cynthia Villar ka. Suggestment ko sa inyo pumila kayo sa tambol-mayor. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
HABANG himlay tayo sa Pilipinas nagsagawa ng bulaga ng press conference si Inday Sara. Tanong ng maliit na peryodistang ito: Gawaing matino ba ang mag presscon ka sa dis-oras ng gabi? Sapantaha ko ang ginawa ni Sara Duterte ay kalkulado. Bakit kanyo? Ang audience niya ay mga OFWna nasa ibang dako ng daigdig.
Siguro hindi mahirap basahin yan. Maganda ang sinabi ni Barry Gutierrez maliwanag ang saad ng ART. VII, Section 13 sa Saligang Batas na pinagbabawal sa niluklok ang magsagawa ng ibang trabaho maliban sa itinalaga sa kanya habang siya ay nakaluklok. Kung gusto niyang mag abogado, mag resign muna siya.
***
WikaAlamin:
KULAPDOT – Isang uri ng kabute na tumutubo sa puno ng kahoy. Sa Ingles ito ay Cloud Ear mushroom.
***
JokOnly (na harbat sa taong itatago natin sa pangalang Lyda Ochoada)
(Habang ginugupitan si Juan ng barbero, napansin niya ang isang seksing manikurista na nagwawalis ng mga kalat na buhok…)
Juan: Miss, puwede ba kitang maimbitahan mamaya para magdinner sa labas?
Manicurista: Naku, hindi po puwede at may asawa na ako.
Juan: Ok lang, sabihin mo na lang nag overtime ka at maraming parokyano.
Manicurista: Naku, hindi po maniniwala yun…
Juan: Nasaan ba ang mister mo?
Manicurista: Ayan po yung nagaahit ng balbas mo.
(patay kang Juan ka…)
***
mackoyv@gmail.com