Dahil Walang Ingay Ang Movie… Alex Gonzaga Ginagamit Ng Mayabang, Tsismoso At Intrigerong Si JC De Vera
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
2010 pa nagsama sina Alex Gonzaga at JC De Vera sa comedy show na “Lokomoko” sa TV 5. Pero sa recent guesting ni JC sa isang show sa One News Ph na hosted ng chaka at parang naluging Instik ay bago itong isyu na kanyang ikina-offend daw noon nang tanungin siya ni Alex sa set ng kanilang show kung original ba yung suot niyang red Oakley shades.
14 years ago na nangyari ngayon ka magkukwento. Kasi nga may pelikula ka na pino-promote at alam mo na sikat si Alex na namamayagpag sa mundo ng Youtube at mga endorsement kaya siya ang naisip mong gamitin para pag-usapan ka. Lalo’t hindi ka naman big star sa showbiz.
Yes, tahimik at walang ingay ang promo ng kanilang movie. So para pag-usapan ang mayabang na actor, kailangan ay ipangalandakan niya na ipinahiya raw siya ni Alex. So anong purpose niya? At super luma na yung issue ay binubuhay pa niya? Bakit hindi pa ba siya nasanay na kikay at mapagbiro lang si Alex. Saka kung talagang na-offend siya nito, sana noong mga oras na yun ay sinabihan niya si Alex na napikon siya sa biro nito. Knowing Alex, nag-sorry sana ito sa kanya.
So halatang ang motive niya ay manira o siraan si Alex sa publiko. Samantalang after Lokomoko ay dalawang proyekto pa ang pinagsamahan nila ni Alex ang movie “Everybody Loves Baby Wendy” na ipinalabas sa iWant original noong 2019 na dinirek ni the late Direk Wen Deramas at ang Netflix film na “Entitled” na last 2022 lang nila ginawa ni Alex. So ibig sabihin ay pina-plastic lang ni JC si Alex sa kabila ng mga pinagsamahang project na okey naman sila. Hay naku, kaya hindi ka sumikat-sikat at taob ka ni Paulo Avelino kasi may attitude problem ka JC. Saka please, bago ka magmalinis ay lumingon ka sa bakuran mo o tumingin sa sarili mo at tiyak madami kang dumi sa mukha.
Naku wagas nga kung sira-siraan mo ang ex-manager mo na si Tita Annabelle Rama, na dinadaldal mo sa chat group. At kung sinu-sino pa ang sinisiraan mo. Ano ka ba talaga artista o showbiz reporter? Aba’y gusto mo pa yatang sundan ang yapak nina Manang Cristy Fermin at Ogie Diaz na parehong mapanira sa mga artistang kanilang pinagtitripan sa kanilang mga Vlog. Kasi pati yung apat na artistang babae na sabi mo ay pawang superstar na ang movie ay may kapatid silang lalaki ay hindi magkakasundo? Bakit JC parte ka ba ng pelikulang ito, o nakasama mo ba sila sa shooting? Na kung makapag-react ka ay parang andoon ka talaga sa set. Hello, gamit pa more! By the way, kinukumusta ka nga pala ng gay friend mong si Lito Alejandrino na owner ng maraming club noon. Alam na this, hahaha!