Advertisers

Advertisers

ILEGALISTA SA QUEZON, ESKAPO NA!

0 1,094

Advertisers

TAMA lamang na lumigpit, magtago at umiwas na sa mainit na kampanyang inilulunsad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office ang mga elementong kriminal na nagkukuta sa lalawigan ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan.

Tapat sa tungkulin at masipag na police official ang bagong Quezon CIDG Provincial Officer (PO) Major Neil Christopher Gaspar, kaya ang Philippine National Police Academy graduate na ito ay siyang napisil nina CIDG Director MGen. Nicolas Torre III at CIDG Regional Field Unit Chief Col. Geovanny Emerick Sibalo na pamunuan ang Quezon CIDG.

Dati ay wala halos mga magandang accomplishment ang mga operatiba ng kapulisan sa lalawigan ng Quezon, kabilang na ang Quezon CIDG sa mga walang binatbat, walang kawenta-wentang provincial office at tila panakip butas lamang na unit ng police detective and investigating arm ng Philippine National Police.



Ngunit biglang nagbago ang pananaw at pagkakakilala ng mga mamamayan sa CIDG Quezon Provincial Office mula nang makita ang kasipagan at pagpupunyagi ng mga opisyales at operatiba ng naturang tanggapan. Dagliang naipakita ng Quezon CIDG ang serbisyo ng tunay at maasahang unit ng kapulisan sa ilalim ng liderato ni Major Gaspar.

Bagama’t hindi pa gaanong katagalang nanunungkulang Provincial Officer ng Quezon CIDG, ang dating intelligence chief (S2) ng Batangas PNP Provincial Office ay di na rin mabilang ang mga naarestong mga underworld character at mga taong pinaghahanap ng mga alagad ng batas sa naturang lalawigan.

Nagagamit ni Major Gaspar ang kanyang karanasan at kasanayan bilang datihang police chief sa ibat ibang mga bayan, sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha at pagkakaroon ng masusing ugnayan sa mga local official, mga civic organization, sa mga barangay leader at mga concerned citizen na nagbibigay naman sa kanya at mga tauhan nito ng mga sensitibo at klasipikadong impormasyon.

Kabilang sa target ng pinag-ibayong operasyon nina Major Gaspar ay ang talamak na vice at drugs operation ng di matinag-tinag na Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng at iba pang iligalidad sa probinsya ng Quezon na sinisiyasat na ng Kamara kamailan.

Tinukoy na ng grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang mga pangalan ng mga untouchable STL bookies operators sa iba’t ibang lugar sa Quezon Province. Ang mga ito ay sina alyas Kap Nelson na nag-ooperate sa mga bayan ng Sariaya, Tiaong, San Antonio, pawang sa Quezon Province at sa San Juan, Batangas; alyas Fando Ferrer sa mga munisipalidad ng Catanauan at Sariaya; alyas Boss Ejay ng Sariaya area; alyas Rayman ng Tagkawayan; Isla ng bayan ng General Nakar, alyas Banong sa Tiaong at Gen. Nakar at iba pang mga gambling conillegal drug traders .



Ang mga nag-ooperate naman ng pergalan (peryahan na pulos sugalan) na prente din ng bentahan ng shabu ay ang pinatatakbo nina alyas Ajie Tomboy sa bayan ng Calauag; Boboy sa bayan ng Mauban; Josie sa bayan ng Sampaloc; Mely sa Brgy. Wakas sa siyudad ng Tayabas; Neccy ng Macalelon; Otso ng Real; Dodie ng Plaridel at Annie ng Tayabas City. Bilang na ang mga oras ng mga ilegalistang ito kasama na ang mahigit sa 100 illegal loggers o “magkakahoy” na patuloy na sumisira sa kagubatan at kabundukan ng lalawigan.

Hindi gawain ng SIKRETA ang magsuob ng kamanyang sa sinumang police official o miyembro nito, ngunit nagbibigay ng kaukulang pagkilala at sumasaludo sa mga maipagmamalaking PNP official na tulad ni Major Gaspar. Ang kakayahan ni Maj. Gaspar ay mahalagang katangian na dapat ipagmalaki nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Gen. Torre III. Dangal si Major Gaspar ng PNP sa kanyang kabuuan!

Alam kaya ni Quezon PNP Provincial Director Col. Ruben Lacusta, na pagkatapos na “masipa” sa Quezon bilang “kapustahan” (police tong collector) ang isang alyas Jong Varilla ay may sumulpot namang isang alyas Brian na ang pakilala’y sugo ng tanggapan ng butihing Kernel?

Sa pag-iikot ni alyas Brian sa buong lalawigan ng Quezon upang mangolekta ng protection money ay ibinabando nito sa mga vice/drug financier na ang kanyang kolek-tong na daang libo kada isang ilegalista ay “ihahatag” sa isang “kapatid” na tumulong at naging padrino kuno ni Col. Lacuesta upang maitalaga ito bilang PD sa Quezon Province. Gaano kaya katotoo ang idinadakdak na ito ni alyas Brian? May karugtong. Abangan…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.