Patak Polio Project ni Konsi Bong Marzan, tagumpay
Advertisers
NAGING matagumpay ang isinagawang End Polio Now (Patak Polio Project) ni Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV Konsi Bong Marzan kamakailan kung saan mayorya sa target nitong bilang na 300 ang napatakan ng oral polio vaccine.
Ang nasabing proyekto ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Arnold Pols Pangan, Maria Clara Health Center, Barangay Health Workers Brgy. 497 at ng Nuestra Seño de Perpetuo Socorro Parish Church, Sampaloc.
Ang mga professional doctors, nurses at health workers mula sa Maria Clara Health Center na isa lamang 44 health centers sa Maynila ang siyang nagtulong-tulong upang mabilis na mapatakan ng oral vaccine ang target na bilang.
Ang mismong simbahan Ng Perpetuo Socorro Parish Church, Calamba St., Sampaloc, Manila ang naging venue ng nasabing proyekto.
Ang polio o pinaiksing poliomyelitis ay isang infectious disease na nakukuha sa poliovirus. Naaapektuhan nito ang nerves sa spinal cord o brain stem. Ang malalang epekto nito ay nagdudulot ng paralysis at pagkalumpo, hirap sa paghinga at kung minsan ay kamatayan.
Nakukuha ito sa person-to-person sa pamamagitan ng faecal-oral route, kontaminadong tubig o pagkain. Ang virus ay nagmu-multiply sa bituka.
Samantala, kasama ni Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo si Konsi Marzan sa isinagawang Ugnayan nitong Sabado sa Nazareth Covered Court kung saan umabot sa 1, 200 ang bilang ng mga beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay sa Distrito Kwatro ang nabigyan ng ayudang P1K at 5 kilong bigas ang bawat isa.
Kasama rin sa namahagi sina Congresswoman aspirant Giselle Maceda at kandidato para Konsehal na sina Roy Bacani, Dra. Diane Nieto, Christian Floirendo, Chairman Bong Marzan, Chairman Freddie Bucad at incumbent Councilor Science Reyes. (ANDI GARCIA)