Advertisers

Advertisers

SABWATAN NG MGA TULISAN KONTRA QUADCOMM

0 84

Advertisers

LUBHANG nagulantang kami sa mga ugong na may gumugulong na P500-M na slush fund ang sama-samang pangkat ng mga drug lord, POGO lord, criminal lord, at espiyang Chinese sa bansa upang lumpuhin ang QuadComm sa masusing imbestigasyon sa mga kompanyang POGO at war on drugs ni Gongdi.

Matinding tsunami, lindol, at daluyong ang inaabot ng mga nakaaway ng sambayanan. Hindi nila sukat akalain ang tindi ng galit sa kanila ng mga mamamayang Filipino. Hindi nangiming magsama-sama ang mga kaaway ng bansa upang gumanti at ipagtanggol ang kanilang ilegal na hanapbuhay. Kasama sa kanila ang mga nagtatanggol sa kanilang ilegal na pagsakop sa ilang bahagi ng West Phililippine Sea.

Walang puknat sa pagsisiwalat ang QuadComm sa mga ilegal na aktibidad nila. Sunod-sunod ang dagok na inabot ng mga tulisan ng bayan sa QuadComm. Ito ang dahilan upang maglunsad sila ng isang malaking kampanya upang magpakalat sila ng kasinungalingan at iba pang kapestehan sa mga lider-mambabatas na kabilang sa QuadComm at opisyales ng mga ahensya kontra droga.



Batay sa ulat na isiniwalat ng dating intelligence officer, nagsama-sama ang mga Chinese drug lords, kakamping POGO operator, at negosyante ng ilegal tulad ng droga, at pati ang pinopondohang propaganda machine na nagtatanggol sa pagsakop ng Tsina sa ilang bahagi ng West Philippine Sea. Nagtayo sila ng “Tagapagkalat ng Kasinungalingan” Media Bureau gamit ang milyong pera galing sa mga POGO operator. Maraming bayarang propagandistang Pinoy ang kabilang diyan.

Pangunahing layunin ang upakan at pahinain ang QuadComm na kasakuyang gumugulong ang tuwirang pagsisiyasat. Nasasaktan at apektado ang kanilang hanapbuhay sa bansa. Barya ang P500-M na pantapat sa QuadCom dahil abot sa ilang bilyong piso ang tinatabo ng mga instsik, kasama ang mga tiwali sa nakaraang gobyerno sa mga ilegal na negosyo dito. Malinaw na may ambag ang Tsina sa kanilang kampanya kontra QuadComm.

Sinabi ng intelligence officer na lumabas sa recording ng iba’t-ibang social media platform sa pagdinig ng Quadcom ang pangalan ng mga Chinese druglord tulad ni Michael Yang at Allan Lin at iba pa at ang mga kasanggang Filipino enabler. Napansin na sila rin ang incorporators ng sali-salimuot na kompanya na binuo ng ilegal na inirehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang magnegosyo ng ilegal sa bansa..

Galit ang namamayani sa mga may-ari at tagapamahala ng mga isinarang kompanyang POGO operator na nawalan ng hanapbuhay dito. Sila ang mga kasosyo at kakampi ng mga Chinese drug lord. Galit sila sa pagpapatuloy ng mga pagsisiyasat sa kanilang ilegal na aktibidad tulad ng kidnapping, murder, torture, illegal drug, money laundering, human trafficking, cybercrime, investment scams, tax evasion at iba pa.

Ayon sa intel report na ibinigay sa ilang piling mamamahayag: “The disgruntled and repelled big-time Chinese POGO operators, who are now being hunted by authorities after their local businesses were shut off, have also chipped in huge amount of money to their ally Chinese drug lords to finance the special ops to discredit, spread lies and false narratives on Quadcom leaders and members.



“The drug lords and POGO lords’ demolition team has hired or rehired foreign and Filipino bloggers, using social media platforms such as Youtube, Facebook, Messenger, Tiktok, Instagram, Viber, Whatsapp, etc, and have adopted various schemes to malign, discredit and spread lies and false narratives on Quadcom leaders and members. “

May isang beteranong mamamahayag ang nagkomento: “Nagsama-sama na ang mga DDS troll farms and bloggers at nagtayo na ng sarili nilang drug money-funded ‘Tagapagkalat ng Kasinungalingan Media Bureau in the Philippines.’”
***
Sa simula ng pagdinig noong nakaraang lunes, nilinaw ni Kin. Robert Ace Barbers, Chairman ng Quadcom, ang ground rules upang maging mapayapa ang imbestigasyon. Nagpahayag ng pasasalamat ang bawat miyembro sa mga resource person, lalong lalo na kay Gongdi, sa pagdalo. Alam nila na si Gongdi ay bastos at walang modo.

Ngunit nang ilatag ang mga kahindik hindik na bintang at dukomentadong pagnanakaw at pagpatay laban sa kaniya, ang tila baliw na dating pangulo ay nagsimulang mambastos, magtapang-tapangan at manduro. Inambahan pa ng suntok ang babae na katabi niya.

Sa gitna ng pinakitang kagaspangan ni Gongdi, ang mga miyembro ng QuadCom ay nanatiling mahinahon at mapayapa. Hindi sila kumagat sa mga palabas ni Gongdi. Hinayaan lang nila na magyabang si Gondi. Alam nila wala sila mahihita kung sasalubongin nila ang pangbabalasubas ni Gongi. Naka-focus lang ang mga miyembro ng QuadCom sa layunin nila-ang makitang magyabang, ibida at akuin ang mga kasalanan ni Gongdi.

Tulad ng inaasahan, napadama o shoot sa balde si Gongdi. Ayon sa kasabihan, ang tilapia ay nahuhuli sa matabil na dila. Kung tutuusin matagal nang dapat na-cite in contempt at ipinakulong dahil sa kabastusan at walang paggalang sa proseso si Gondi. Pero hindi ito ginawa ng QuadCom bilang respeto sa dating pangulo.

Ipinakita ni Kin. Ace Barbers na kontrolado niya ang paglilitis sa tamang paggiya sa QuadCom. Hindi kinagat ng QuadCom ang inaasahang paghuhuramentado ng tila nababaliw na dating pangulo. Inasahan nila ito; at dito nasukol si Gondi.

Dito nagsimulang naglabasan ang mga pekeng salaysay sa lahat ng media platform gamit ang milyon milyon halaga galing sa POGO. Nais nila maisalba ang mga iligal na kalakaran nila. Pero hindi namin nakikita na kaya nilang gibain ang QuadCom. Naniniwala kami na hindi mananaig ang pera ng POGO laban sa katotohanan.

***

Email:bootsfra@yahoo.com