Advertisers

Advertisers

Seryoso nga kaya… Claudine isang tao lang ang hanap sa maraming trabaho

0 15

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAG-POST si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account na kailangan niya ng all around assistant para matulungan siya sa rami ng gawain niya sa bahay, pati na sa kanyang mga trabaho.

Ang ilan sa mga requirements, kailangan daw may experience sa accounting. Kaya nitong ayusin at planuhin ang kanyang schedule, sanay sa puyatan, at kayang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang mga anak.



“Palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary, personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag, marespeto,” simulang pahayag ni Claudine.

Patuloy ni Claudine, “Better if yung personal assistant may experience din sa accounting, take care of the schedule ko at mga bata.

“Also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganu’n po talaga sa shootings/tapings. yung masipag, alerto, multitasker gaya ko po at important very neat & organized,” sabi pa ng aktres.

Sa huli, nakiusap pa siya sa mga netizen na ipagdasal siya na sana’y makahanap siya ng tamang tao na magsisilbing P.A. niya.

“Pls pray na tamang tao ang makukuha ko to be an assistant. pls send you’re bio data/resume, NBI CLEARANCE. Thank you. Kindly send all requirements to kris.angeli@yahoo.com. hope to hear from all of u the soonest (praying hands emoji).



“Please pray for the perfect personal assistant/accountant. maraming maraming salamat po sa inyo. thank u for the help in advance. Godbless po sa inyong lahat (praying hands, heart emojis,)” dugtong pa ni Claudine.

Maraming netizen ang naloka sa requirments na hinahanap ni Claudine para sa maging assistant niya.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizen.

“How much for a 3 persons’ job?”

“Okay lang magmulti task, pero yung puyatan, hindi po makatarungan yan. Ang tao po ay kelangan ding magpahinga, hindi po employee or personal assistant ang kelangan nyo, ang tawag dyan slave.”

“I suggest po idol that you hired 2people for this job. Yung ngsisimula plang sa work struggled na yan, until you used to it. Matinding patience po kailangan.”

“Ang personal assistant at accountant isang tao na! Ang manage your house to be clean and tidy at mga bata is a serious job. If isang tao lang to. Di po yan tatagal. Need po ng rest ng tao. Pwede mo din sila palitan para balance. Patas din sana sa salary offer. GODBLESS po Idol.”

“Hindi ako basher pero seryoso ka dyan? Yang hinihinge mo trabaho nayan ng ibat ibang tao. Gusto mo accountant, P.A mo, yaya ng mga anak mo, tapos katulong sa bahay nyu. Labag nayan sa work ethics at human rights. Willing kaba sahoran yang tao sa ibat iba trabaho na hinihinge mo?”

***

KAHIT nakakontrata ang isang young actress sa isang malaking TV network, hindi naman siya binibigyan ng project. Pasaway kasi itong si YA. Lagi itong late na dumarating sa mga seryeng ginagawa niya noon. At kapag dumarating ngang late, hindi man lang marunong mag-sorry sa production at sa co-stars niya. Ang ending, hindi na nga siya binibigyan ng serye ng kanyang mother studio. Mahigit tatlong taon na nga siyang hindi napapanood sa telebisyon.

Sayang si YA, mahusay pa naman siyang umarte, na hindi na niya nagagamit tuloy.