Advertisers

Advertisers

Sumabog na si Sara, gusto samahan sa kulungan ang ‘jowa’

0 64

Advertisers

GRABE ang ngitngit ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa pagkakulong ng kanyang Chief of Staff, Atty. Zuleika Lopez, sa House detaintion facility matapos i-contempt dahil sa mga pagsisinungaling matapos manumpa na magsasabi lamang ng buong katotohanan sa kanyang mga sasabihin sa House Quad Committee.

Gustong samahan ni VP Sara sa loob ng kulungan si Lopez hanggang sa makalaya ito sa loob ng limang araw na palugit pagkakulong.

Kung bakit gustong samahan ni VP Sara si Lopez sa kulungan ay dahil: “Magdyowa” raw ang dalawa, sabi ng beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo. Lantad aniya Davao City na si Sara ay bisexual, tomboy o AC-DC puede sa lalaki at babae, at matagal na raw ang relasyon nila ng kanyang CoS.



May pagka-marites din si Mon, anoh? Hehehe…

Para naman sa netizens, kaya ayaw iwanan o gusto samahan ni VP Sara si Lopez hanggang kulungan ay dahil baka ikantang tuluyan ng huli ang lahat ng nalalaman sa mga naging katiwalian sa Office of the Vice President pati sa dating tanggapan ni Sara na Department of Education kaugnay ng pagkakalustay sa P612 milyong confidential at intelligence funds ng OVP at DepEd.

Nabunyag kasi sa patuloy na imbestigasyon ng House Quad Committee ang pagkakalustay ng daan daang milyones mula sa confi at intel funds ng OVP at DepEd sa mga kuwestiyunableng bagay, mga walang resibo at bugos na hanggangngayon ay hindi maipaliwanag ni VP Sara.

Tapos ang kanyang CoS na si Atty Lopez ay huling huli ang mga pagsisinungaling at mga pagde-deny, base sa mga dokumentong isinumite ng Commission on Audit (CoA) sa Quad Comm.

Sa pagsabog ni VP Sara, isinapubliko niya ang pagbilin niya sa kung sinong trusted niyang tao na patayin sina Presidente Bongbong Marcos, First Lady Liza at House Speaker Martin Romualdez. Ito’y kapag pinapatay daw siya. Hindi raw siya nagbibiro: “No joke! No joke!”.



Ang bantang ito ni VP Sara ay sineryoso ng Malakanyang. Iniatas ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Presidential Security Group (PSG) na higpitan ang pagbabantay kay PBBM.

Si PNP Chief, General Marbil, ay inatasan ang CIDG na imbestigahan ang banya ni VP Sara.

Ang pamunuan AFP ay ipinaalala sa mga tauhan na maging tapat sa Konstitusyon na protektahan ang mamamayan, hindi ang mga politiko o iilan.

Sa kabilang banda, ang dating presidential spokesman ni ex-Pres. Rody Duterte, ama ni VP Sara, na si Atty. Harry Roque ay nanawagan naman sa kanilang supporters na sumugod sila sa EDSA para mag-people’s power.

Pero sagot ng netizens: “Pupunta kami ng EDSA kung pamumunuan ni Roque.”

Si Roque ay matagal nang nagtatago, matapos isyuhan ng arrest warrant ng Kongreso dahil sa hindi pagsipot sa mga patawag ng Quad Comm dahil din sa mga pagsisinungaling kaugnay ng pagkakasangkot nito sa mga iligal na POGO sa Pampanga at Tarlac.

Marami pang mabubunyag sa mga pag-iimbestiga ng Quad Comm. Subaybabayan!