Advertisers
MATAGUMPAY na naisagawa ng Southern Police District (SPD) ang kanilang weeklong warrant operation mula Nobyembre 17-23, 2024, na nagresulta sa pag-aresto sa 92 wanted persons na umiiwas sa kamay ng batas.
Sa mga naaresto, 105 ang kabilang sa Top Most Wanted Persons, 23 bilang Most Wanted Persons, at 54 Other Wanted Persons.
Pinuri ni SPD Director PBGen Bernard Relato Yang, ang walang sawang pagsisikap ng kanyang mga tauhan na responsable sa isang linggong operasyon. Tiniyak niya sa publiko na patuloy na paiigtingin ng SPD ang pagsisikap nito sa pagtiyak na mahaharap sa hustisya ang mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest.
“Kami ay nakatuon sa pagdadala ng mga pugante sa hustisya, at hindi kami titigil hangga’t ang lahat ng umiiwas sa batas ay nahuhuli at nananagot sa kanilang mga aksyon. (JOJO SADIWA)