Advertisers
HINDI na dapat humaba pa nang humaba ang imbestigasyon ng House Quad Committee sa paggamit sa confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education kung may mga resibo lang ang pinaggastusan ng P612.5 million pondo na binubusisi ngayon ng mga miyembro ng komite.
Kaso, sa halip na magpaliwanag direct to the point ni Vice President Sara Duterte at kanyang mga opisyal ay kung ano-ano pang kadramahan ang mga ginagawa, halatang inililihis ang isyu.
Nandiyan ang murahin nang murahin ng “putang ina mo” ni Sara si Pangulong “Bongbong” Marcos, First Lady Liza at Speaker Martin Romualdez. Mga salitang hindi dapat mamutawi sa bibig ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Sinabi pa ni Sara na may inatasan na siyang tao na papatay kina Bongbong, Liza at Martin sakaling may masamang mangyari sa kanya.
Pati pangalan ng pinaslang na ex-Senator Ninoy Aquino ay binanggit ni Sara laban sa mga Marcos.
Tapos kapag tinanong ng mga kongresista ang resource persons, na mga staff ni Sara sa OVP at DepEd, ay gusto niya siya ang sasagot. Pero kapag siya ang inimbitahan ng komite sa pagdinig, umiiwas, ayaw dumalo!!!
Ang kanyang Chief of Staff (COS) sa OVP na si Atty. Zuleuka Lopez, na umano’y “dyowa” nito simula Vice Mayor pa ito ng Davao City, ay na-cite in contempt ng Quad Comm dahil sa lantarang pagsisinungaling sa dokumentong gawa at pirmado niya, na ibinigay ng Commission on Audit sa komite.
Si Lopez ay unang pinatawan ng 5 days imprisonment na pinalawig pa ng 10 days dahil sa mga kadramahan nila ni Sara.
Ang Special Disbursement Officer (SDO) ni Sara sa OVP at DepEd na si Gina Acosta ay biglang nawalan ng malay nang tanungin ni miyembro ng Quad Comm kung paano winidro at kung saan dinala ang P125 million.
Pero bago nanlupaypay si Acosta ay nasabi niyang ibinigay niya ang napakalaking halaga sa isang Kernel na security officer ni Sara.
Pagkatapos nito ay nagwala na naman si Sara. Kung ano-anong pagmumura ang ginawa. Obviosly ay ginugulo niya ang imbestigasyon para hindi mabunyag ang iba pang katiwalian sa kanyang tanggapan.
Iginigiit ni Sara na malinis siya, hindi korap, ang mga Marcos at mga kongresista raw ang korap…
Kung hindi nga nilustay sa mga maling bagay ni Sara ang P612.5 million intel at confi funds niya, bakit hindi siya maglabas ng mga resibo kung saan ito ginamit.
Oo! Hindi lang kahapon naging public official si Sara. 17 years na siya sa gobyerno, mula vice mayor, mayor at ngayon at bise presidente. Alam niya na ang bawat singko na lumalabas mula sa kaban ng bayan ay may resibo, at isinusumite ito sa COA kada taon para ipakita sa publiko na inilagay sa tamang paggastusan ang taxpayers money.
Pero dahil nga sa maling bagay nilustay ang pera ng bayan, hindi ito maipaliwanag ni Sara. Kaya siya ngayon pinagpapaliwanag ng kongreso.
May ibinunyag pa ang CoA na ang P12 bilyong pondo ng DepEd ay naubos sa kawalan.
Wala raw maipakitang accomplishment si Sara sa napakalaking halagang ito, walang maipakitang mga resibo kung saan ito ginamit.
Kaya ipinasosoli ng CoA kay Sara ang naglahong P12b pondo ng DepEd noong siya ang kalihim ng ahensiya.
Sa mga nabunyag na ito sa imbestigasyon ng Quad Comm, gugustuhin n’yo pa bang maging pangulo si Sara sa 2028?s