18 Day Campaign to End Violence Against Women suportado ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
BUO ang pagsuporta ni Liga ng nga Barangay Director at Brgy. 497 Chairman Bong Marzan sa pambansang kampanya para tuluyan ng wakasan ang karahasan kontra kababaihan.
Sa isang panayam sa Asenso Manileño candidate for councilor sa ika-apat na Distrito ng Maynila, sinabi ni Konsi Bong Marzan na: “Napapanahon na po para wakasan ang lahat ng uri ng karahasan kontra kababaihan. Now is the time to put an end to all types of violence against women at walang ibang lugar ito para simulan kundi sa mismong mga tahanan natin.”
Kaisa ng pamahalaang lokal ng Maynila, Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Manila Department of Social Welfare (MDSW) Chief Re Fugoso ay naninindigan si Konsi Marzan na maprotektahan ang karapatan ng kababaihan at sa pagtataguyod ng gender equality
Ang 18 Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na tumatakbo mula November 25 hanggang December 12, 2024 ay isang pambansang advocacy na layuning itaas ang kamulatan para sa pagtataguyod ng pagkilos at palakasin ang suporta na wakasan ang lahat ng uri ng karahasan kontra kababaihan.
Ang theme ngayon taon na: “United for a VAW-free Philippines at sub-theme: VAW: Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras”, ay humihikayat sa lahat ng mamamayan na makibahagi sa mga gawain na magpapalakas sa mga kababaihan, mag-i-educate sa mga barangay na lumikha ng isang ligtas na lugar para sa lahat ng kababaihan.
Samantala may 25 na pamilya mula sa Brgy 490 na nasunugan kamakailan ang tinulungan ni Konsi Bong Marzan. Ang Brgy. 490 ay nasa ilalim ni Chairwoman Agapita Pamulalakin na nasa area ng Dangwa Flower District ng Maynila.
Umalalay din sa pamamagitan ng pagsu-supply ng tubig sa mga residente ng nasabing barangay ang Nayon Balumpare
Fire Rescue Volunteers ng Brgy 497 sa ilalim ni Chairman Bong Marzan. (ANDI GARCIA)