“Ex-Pres. Duterte dangerous and wreckless, VP Sara tumulong na lang sa tao at huwag ng mag-akusa ng iba” – Manila 6th Dist. Rep Benny Abante

Advertisers
NAGPAHAYAG ng kanyang opinyon si House Quad Committee co-chairman Manila Congressman Benny Abante, Jr. (6th district) tungkol sa mag-amang Ex-Pres. Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte. Ayon kay Abante dapat ay manatili na lamang si VP Sara sa pagtulong sa tao habang tinawag naman niya
na ‘very dangerous and reckless’ ang mga pahayag ng dating CEO ng bansa na nanawagan sa mga military na kumilos na laban Kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa kanyang pagdalo bilang panauhin sa ‘Balitaan sa Harbor View’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Associaton (MACHRA), ay sinabi niya na umaasa siya na matatapos na ng QuadComm ang kanilang mga pagdinig sa POGOs at sa extra-judicial killings (EJKs) ngayong Disyembre at mag-focus na sa illegal drugs issue, partikular ang mahigit na P6 billion controversial shipment noong 2017 kung ang Customs broker Mark Taguba ay nahatulan na.
Ayon pa kay Abante, wala man sa kanilang isipan ang impeachment, ang kaso n VP Sara ay maaaring mauwi sa plunder, ito ay base na rin sa mga detalye at sa laki ng halaga ng perang involved na iniimbestigahan na sa Mababang Kapulungan.
Kaugnay pa ng mga katatapos na kaganapan sa pulitika, sinabi ni Abante na dapat ay tigilan na ni VP Sara ang ‘drama’ sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at hintuan na rin ang pag-aakusa sa mga Konggresista na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.
Samantala, sa panawagan naman ng Simbahang Katoliko na ‘stop to the political bickerings’, sinabi ni Abante na hindi na ito sakop ng serye ng Congressional investigation dahil ito ay hindi political based kundi issues-based.
Binigyan diin din ni Abante na walang personal issues na involved sa House inquiries at may mga lehitimong usapin na nangangailangan ng imbestigasyon, lalo na ang may kinalaman sa government funds.
“We are here to demand accountability and right the wrongs,” sabi ni Abante at idinagdag din na ang layunin ng House probe sa mahahalagang usapin ay ang malaman ang kasagutan , matukoy kung sino ang may pananagutan at maiwasang maulit ang mga kamalian sa hinaharap.
Sa pahayag naman ni dating Pang. Duterte na tinatanong ang patuloy na suporta ng militar kay President Marcos, pinuri ni Abante ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang stand na huwag makisali sa politika at manatiling tapat sa taumbayan, sa bansa at sa Saligang Batas.
Binanggit pa ni Abante na nagtatanim hindi pagkakaisa si Duterte at tinanong din niya kung tama ba angbmga pinagsasabi nito dahil dati itong commander-in-chief, ito aniya at naghahatid ng maling mensahe sa publiko.
Sinabi pa ni Abante na nag-isip muna sana si Duterte kung ano ang mararamdaman ng dating presidente kung ginawa nito ang panawagan nang siya pa ang presidente? (ANDI GARCIA)