Advertisers

Advertisers

MENSAHE NI AÑO

0 10

Advertisers

NAPAKINGGAN ko ang mensahe ni National Security Adviser Eduardo Año sa isang top-level management workshop na ginanap sa Ibis Styles Araneta Manila ng nakaraang linggo at maganda ang kanyang mga sinabi.

Nanawagan siya na ang ‘whole-of-nation approach’ sa umuulit na namang pagtatangka ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF na makarecruit pa ng ating mga kabataan para magamit nilang mandirigma at sa mga gawain nilang terorismo, ay kailangan raw pairalin.

Si Año, na Vice chairman din ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ay nagsabi din na ito raw ay malaking banta na naman sa seguridad ng bansa.



“It is not only their violence that harms us but also their ability to destroy the potential of individuals and the unity of our people,” ang sabi ni Año sa kanyang mensahe na binasa ni NSC Deputy Director-General Benjamin R. Madrigal, Jr.

Binibigyan diin dito ni Año, ang pangangailangan ng ‘proactive, whole-of-nation approach’ na dapat samahan ng kakayahan at ‘resources’ ng pamahalaan, private sector, academe, at civil society.

“No single agency, sector, or leader can solve this problem alone,” sabi ni Año said. “This workshop is a prime example of the collaborative approach crucial to success.”

Di nga naman kakayanin ng gobyerno lamang ang laban na yan sa mga komunistang-teroristang. Eh kahit nga mga kaibigan nating mga ibang bansa ay sumasama sa laban na ito.

Bakit ka ninyo? Sila rin ay partikular sa banta ng seguridad, di lamang para sa kanilang bansa kung di sa pangdaigdigang seguridad. Kailangan naman talaga ang pagsasama-sama para labanan ang terorismo.



Ngayon pa, na target na naman ng CPP-NPA-NDF ang ating mga kabataan diyan sa ating mga unibersidad at kolehiyo. Nangangaunti na kasi ang mga komunistang-terorista, at ayaw na ayaw pa nitong magsisuko kahit sukol at kakaunti na sila.

Kaya naman pinakusapan ni Año ang lahat ng nagsidalo sa workshop na iyon na pag-aralan ang ‘international models’ habang ina-aapply natin ito sa ating kakaibang karanasan sa mga komunistang-teroristang dito.

Ang pananaw na ito ng ating National Security Adviser ang gabay natin para labanan ang ‘terrorist grooming’ ng CPP-NPA-NDF.

“The ultimate goal is to protect the Filipino people and ensure a life free from fear and violence for every child and family,” ang paliwanag pa ni Año.