Advertisers

Advertisers

VBANK PROJECT NI CHAVIT SINGSON TULONG SA MAHIHIRAP NA SEKTOR!

0 2,708

Advertisers

Para sa kaalaman ng mga ORDINARYONG MAMAMAYAN lalo na sa mga nabibilang sa MAHIHIRAP na sektor ng ating lipunan ay may ilulunsad na VBANK PROJECT si EX-ILOCOS SUR GOVERNOR at ngayo’y SENATORIAL CANDIDATE GOVERNOR LUIS CRISOLOGO SINGSON o mas kilala bilang CHAVIT SINGSON.

Sa SUMBINGTIK FESTIVAL (SUMAN, BIBINGKA at LATIK) FLOAT PARADE na isinagawa nitong Sabado (November 30, 2024) na pinangunahan ni CAINTA MAYOR ELLEN NIETO ay nakapanayam ng MEDIA PRACTITIONERS si CHAVIT SINGSON na isa sa nakipagpartisipa sa FLOAT PARADE.., na ang kaniyang VBANK ay isang DEBIT/CREDIT CARD na kaniyang iaasiste sa mga nabibilang sa SENIOR CITIZENS, SOLO PARENTS at PARENTS WITH DISABILITY (PWD’s).

Mga ka-ARYA.., ang VBANK PROJECT ni CHAVIT SINGSON ay ilulunsad sa December 10, 2024.., na ang gagawin ng QUALIFIED FILIPINOS ( SENIOR CITIZENS, SOLO PARENTS at PWD’s) ay kailangang i-download ang VBANK app, sagutan ang mga dapat sagutan para sa online transactions.



Bukod diyan ay mayroon pa siyang CHAVIT 500 PROJECT na isang porma ng SOCIAL PENSION PROGRAM para sa mga naghihirap na mamamayan.., na ang mga kuwalipikado para rito ay ang mga FILIPINO na edad 18 pataas ay mabigyan ng P500 kada-buwan habang sila’y nabubuhay

“Handa akong malugi basta panalo ang Filipino,” pahayag ni CHAVIT na nabanggit pa niya ang MISS UNIVERSE PAGEANT na kaniyang inisponsoran ay okey lamang sa kaniya kahit walang naging balik sa kaniyang iniluwal na sariling pondo.

Sa idinaos na SUMBINGTIK FESTIVAL ng CAINTA MUNICIPAL GOVERNMENT ay naihayag nitong si CHAVIT na sumali siya sa FLOAT PARADE upang maipadama niya sa CAITEÑOS na kabilang siya sa kanila bilang FILIPINO at maglulunsad siya ng proyektong para sa mga namamasada na siya ang magpi-finance para sa E-TRIKES, MOTORCYCLES at E-JEEPNEYS para sa buong bansa.., na ang mga namamasada ay hindi na kakailanganin pang magbigay ng down payment at hindi rin niya ito patutubuan kahit hindi raw siya kumita ng sentimo mula sa gagawin niyang proyekto.

Kaya naman mga ka-ARYA e huwag po ninyong kaliligtaan itong alok ni CHAVIT lalo na sa kaniyang VBANK PROJECT na ilulunsad sa December 10, 2024 e mag-download na po kayo ng VBANK app ganundin ang mga FILIPINO na may edad 18 pataas ay mag-download na po ng VBANK app.., kasi diyaan po ninyo matatanggap ang FINANCIAL ASSISTANCE mula sa ILOCANO PRIDE na si MANONG CHAVIT SINGSON!

***



Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.