Advertisers
PUERTO PRINCESA – Umaapaw ang talento ng atleta mula Mindanao sa pangunguna ni Philip Adrian Sahagun na siyang naging icebreaker sa swimming event ng 11th BIMPNT- EAGA Friendship Games dito sa Ramon Mitra Stadium swimming pool .
Ang 21-anyos na tanker mula Mindanao Team A ay pinagharian ang Boys 200 LC 1m sa kanyang ginintuang langoy sa tiyempong 2:13.52 at naitalang unang swimmer na kumopo ng gold medal.
“I didn’t expect to win, kasi two weeks ago kakagaling ko lang ng UAAP and I didn’t have [enough] time to prepare for this kasi gusto ko rin po makapag-pahinga. One week po ako walang training at all,” wika ni Sahagun.“Pero ang mindset ko lang is swim for the Philippines, no’ng last lap, medyo nakaramdan po ako ng sakit ng katawan ko pero nakita kopo ‘yong kalaban ko na humahabol kaya i-push ko na… ando’n napo ako sa una kaya sabi ko ‘di kona po ibibigay ‘tong gold.”
Segunda kay Sahagun ang pambato ng South Sulawesi,
Indonesia na si Aril Hidayatullah sa kanyang tempo na 2:13.83 habang malayong tersera ang isa pang Mindanaoan na si Rodolfo Paulo Apilado(2:20.82).
Sa Girls 200 LC 1m ng prestihiyosong torneo ng magkakalapit na bansang Brunei-Indonesia- Malaysia Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission( PSC) ay nagreyna ang 18 -anyos na si Lara Micah Amoguis ng Mindanao Teàm A na nagsumite ng winning time na 2:30.73 habang segunda puwesto si Magila Jaye Dignadice na may pilak na tiyempong 2:38:01.
Sa Girls 100 LC freestyle ay dinomina ni Pearl June Degamo ng Puerto Princesa 54:76 na dinaig si Claire Mira Catayas ng Mindanao Team A(57.34) habang nagpasiklab naman ang dayo mula Sabah Malaysia na si Shawn Boon Xuan King sa Boys 100 LC freestyle sa kanyang golden swim na 56.24 upang maungusan si John Michael Catamco ng Mindanao Team A. (Danny Simon)