Advertisers
KUMAMADA si Donovan Mitchell ng 35 points at nakaganti ang Cleveland Cavaliers sa makadurog puso na kabiguan sa 115-111 wagi kontra Boston Linggo sa bakbakan ng NBA’s best top teams.
Umiskor si Mitchell ng 20 points sa fourth quarter para sa Cavaliers na nagrally mula sa 14 points down sa second half para gibain ang reigning NBA champions.
Ang Cavaliers ay sinimulan ang season 15-0 pero nalasap ang kanilang first loss sa Boston nakaraang buwan sa pamamagitan ng 120-117 at nabigo ang kanilang dalawang natitirang laban sa Atlanta.
“For us, we’ve got to go out there and make a statement,” Wika ni Mitchell. “They beat us in the NBA Cup. No excuse. We’ve got to go out there and try to build. We had two losses that really hurt. We weren’t playing like ourselves. We needed this win.
Ang Cavs ay umangat sa 18-3 upang manateli sa tuktuk ng Eastern Conference habang ang Celtics nalaglag sa 16-4 at tinuldukan ng Cleveland ang kanilang seven-game win streak.
Kung saan ang Celtics ay wala ang kanilang starting guards Jaylen Brown dahil sa illness at Derrick White na may sprained right foot.
Agwat ang Cleveland 51-49 sa half-time pero dinomina ng Celtics ang third quarter para sa 84-72 lead pagpasok sa fourth, Jayson Tatum umiskor ng 17 sa kanyang 33 points sa third period para pamunuan ang Boston.