Advertisers

Advertisers

Sara: Akin na ang presidente noong 2022

0 16

Advertisers

IPINANGALANDAKAN ni Vice President Sara Duterte-Carpio na sa kanya na ang presidency noong 2022. Pero ipinaubaya niya ito kay Bongbong Marcos, nag-bise nalang siya.

“First of all, the presidency was mine already. I won the surveys, all the people were solidly united for my candidacy but I gave it away because I had to do some other things than being president of the Republic of the Philippines,” himig ng pagsisi ni Sara kung bakit hindi nalang siya ang tumakbong pangulo.

Pero paano naman nasisiguro ni Sara na mananalo siyang presidente noong 2022 kung kumasa nga siya?, na ang isa sa mga makakalaban ay si Bongbong?



Ang isa pang malakas na presidential candidate noong 2022 ay si Leni Robredo. Kung tatlo sila ang naglaban, posibleng si Leni pa ang nanalo. Mismo!

Kung si Sara nga ang presidente ngayon, hindi malayong lalong mabaon sa utang ang Pilipinas at mabangkarote ang kaban ng bansa, tulad ng ginawa ng kanyang amang si Rody Duterte na ibinaon sa utang, P13 trillion, ang Pilipinas nang matapos ang termino noong 2022.

Oo! Grabe ang korapsyon sa termino ni Digong. Igo-google nyo!!! Tila naging libre ang katiwalian ng mga nakapaligid sa kanya, na kapag inakusahan ay kanya agad sasaluhin at lilinisin ang pangalan tulad ng Chinese drug lord na si Michael Yang. Mismo!

Kaya nga humaba ang imbestigasyon ng House Quad Committee ay dahil sa mga nabunyag na katiwalian sa tanggapan ni Sara, sa Office of the Vice President at sa Department of Education na dalawang taon niyang pinamunuan pero “walang accomplisments”.

Na dahil sa pagkakabunyag sa naturang mga katiwalian, na hindi maipaliwanag ni Sara, ay kung ano-anong isyu na ang kanyang inungkat para mailihis ang imbestigasyon. Ipahuhukay niya raw ang labi ni Ferdinand Marcos Sr sa Libingan ng mga Bayani at ipatapon sa West Philippine Sea, nag-hire na raw siya ng papatay kina Pres. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza at House Speaker Martin Romualdez, pinagmumura niya ang mga ito, at ang away daw nila ay “point of no return”. Pati ang pagpatay kay Ninoy Aquino noong 1983 ay kanyang binanggit. Hehehe…



Sa dinami-daming press conference ni Sara, hindi manlang niya binanggit kung paano niya ginamit o nilustay ang P612.5 million intelligence at confidential funds na siyang sentro ngayon ng imbestigasyon ng quad comm.

Balikan natin ang sinabi ni Sara na siya na dapat ang presidente ngayon kung tumakbo siya noon. Wala iyon! Hanggang salita nalang iyon dahil si Marcos ang presidente ng bansa ngayon.

At ang pagiging presidente ay “gift of God”. Destiny!

Napakaraming magagaling na tao ang nangarap maging presidente pero nabigo, tulad nina Ninoy Aquino, Joe De Venecia at Manny Villar. Hindi nila destiny.

Pero ang mga taong kulang naman sa talino at hindi inambisyon maging lider ng bansa tulad nina Cory Aquino, Erap Estrada, Noynoy Aquino, Digong Duterte at Bongbong Marcos ay naging pangulo, mga landslide ang panalo.

Ang mga naging pangulo ng bansa na kuwestiyunable ang naging panalo ay sina Fidel Ramos at Gloria Arroyo.

Kaya maling angkinin ni Sara na sa kanya ang presidency noong 2022. Pero subukan niya sa 2028 kung totoo ngang majority ng Pinoy ay nasa likod niya. That time, tiyak marami siyang makakalaban. Surely isa sa mga tatakbo ay dugong Marcos parin. Peks man!

***

Hinihikayat nina retired Supreme Court Justices Antonio Carpio at Conchita Morales ang mga mambabatas na sampahan na ng impeachment complaints si VP Sara. Sapat na, anila, ang mga ebidensiyang nakalap sa Quad Comm para mapatalsik ang bise presidente.

Ayon sa Makabayan block sa Kamara, nakahanda na ang kanilang impeachment complaints.

Kaso wala nang oras para magsampa ng impeachments complaints? Magbabakasyon na ang Kongreso, Next year, posible! Abangan!