Advertisers

Advertisers

Ibasura, wag tangkilikin ang mga lider na may topak at pikon

0 22

Advertisers

BAKIT may mga opisyales ng pamahalaan at mga politiko na madalas ay nakikitaan ng pagkapikon at madaling sumiklab ang init ng ulo kapag hindi gusto ang nababasa o naririnig lalo na pag kontra sa kanyang gusto?

May ilang opisyales kasi na nanunungkulan ngayon sa administrasyon ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay mga pikon at may topak.

Dapat sila ay laging cool lang, di ba dear readers?



Gayundin sa ilang mga politiko na nais maging mayor, governor, congressman at senador, dapat sila ay laging cool, tama po ba?

Dapat sila ay mahinahon at hindi nagpapadala sa bugso ng damdamin o biglang galit.

Ang desisyon kasi na bunga ng pagkapikon o galit ay mapanganib dahil sa anomang gustong gawin ng ilang opisyales ng bansa, buong Pilipino ang tiyak na apektado.

Hindi magandang katangian sa ilang opisyales ng pamahalaan at mga may ambisyong maging mayor, governor, congressman at senador ang magpakita ng pagiging bugnutin o mainitin ang ulo at madaling madala ng sulsol o madaling mapaniwala sa tsismis.

Pangit sa ilang opisyales ni PBBM at mga nais na maging mayor, governor, congressman at senador na agad-agad ay kumikilos nang hindi gaanong tinitimbang ang tama o mali o pinag-aaralang mabuti ang magiging resulta ng kanilang aksiyon o utos.



Sakuna at matinding kapahamakan ang magiging resulta nito sa buong bansa.

Papayag ba tayo na ang mga opisyal ng bansa o nais maging mayor, governor, congressman at senador ay ganito ang takbo ng isip – na masasabing walang mga bait sa sarili at mga magaling makinig at kumilos, ayon sa sabi-sabi?

May mga media forum ang minsan ay tinatanggihan ng ilang opisyales ng pamahalaan at ibang mga politiko na nais maging mayor, governor, congressman at senador – ang katwiran nila, “biased” daw sa kanila, at panig sa ibang mambabatas ang ibang samahan ng media ornanization, ano ba yan?

Sa halip na harapin ang mga isyu, init ng ulo ang isinasagot ng ilang opisyal ni Mang Juan at iba pang politiko na nais maging mayor, governor, congressman at senador ng Pilipinas na nais tayo ay pamunuan, at ito ay peligroso, nakatatakot.

May mga ibang hindi pa nga nanalo ay kung ano-ano na ang sinasabi kesyo pagdi raw sila ang nanalo ay siguradong bunga ng daya, sanabagan!

Ang layo-layo pa ng midterm elections, bakit marami na ang pikon agad?

Tunay na nakatatakot ito!

Mahirap ang magkaroon ng mga lider na topak at pikon!

***

Palabra de honor ang tawag sa isang tao na ang sinabi ay kayang panindigan at titiyaking kayang gawin ang sinabi o ipinangako.

Pansinin: Tanging ang tao lamang ang binigyan ng Amang Diyos ng katangiang makapagsalita, at makapagpahayag ng saloobin at mangatwiran.

May dila ang mga tunay na buwaya, mga baka, kambing, aso, balyena, kabayo at iba pang hayop o insekto?

Pero, hindi sila makabuo ng salita: Tahol ang kayang gawin ng aso, unga kaya ng kalabaw at tilaok sa manok, halinghing sa kabayo.

Marami na rin naman ang naging lider ng bansa, na natapos ang termino at nawala sa puwesto at sa mga kainitan ng kampanyahan, langit at lupa ang ipinapangako nila na pag sila ang naging konsehal, meyor, gobernador, congressman, senador at pangulo, ibibigay nila halimbawa ang para sa mga magsasaka, etc., pero may nangyari at naibigay ba ang mga pangako, wala!

***

Merong mga politiko na ngayon pa lang ay kinukondisyon na ang isipan ng kani-kanilang contituents na sila ang dapat manalo sa susunod na halalan, at ngayon pa lamang, nakakasa na ang gagawin nila kung sila ay matalo – sa sinasabi nilang “pandaraya” na gagawin sa kanila?

Isinasaksak na sa isip ng kanilang mga kababayan at tagasunod na ngayon pa lamang, pag natalo sila, kaguluhan at pananakot ang dapat na itugon, wow ha?

Napakahirap na magkaroon ng mga lider na hindi pa man nagkakaroon ng tunay na halalan ay inaaangkin na ang panalo at ipinalalagay na ang taumbayan ay isang bungkos na uto-uto at parang robot na kaya nilang pasunurin sa anomang nais nilang ipagawa, sanabagan!

***

Mayorya ng Pinoy ayaw ng gulo, at ang nais ng bansa ay kapayapaan at pagsulong sa kabuhayan at mapabilis ang ating kaunlaran.

Nais natin ay mga lider na ang layunin ay isaayos ang pamahalaan at maituwid ang mga kamalian, at sugpuin ang katiwalian at tapusin ang kahirapan.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.