Advertisers
Ni Beth Gelena
IBINAHAGI ni Kim Chiu ang behind-the-scenes look ng kanyang calendar girl shoot.
Pinost ni Kim sa kanyang Instagram account ang video with clips of her modelling for the different layouts for Tanduay’s 2025 calendar.
Ani Kim, “Becoming a Tanduay Calendar Girl is such a powerful moment for me, it’s more than just being part of a calendar; it’s about breaking barriers, owning my confidence, and celebrating every step of my journey.”
Dagdag pa niya, “I’m grateful for things that are happening to me, I’m just very lucky to experience this in this lifetime. Every step of this journey is exciting and surprising.”
“Celebrate life kasi parang iksi na ng buhay, hindi mo alam, nire-reserve mo ‘yung big celebrations for a big event. Hindi ka aabot ‘dun — ‘wag naman sana! — pero siyempre sine-celebrate bawat wins mo in life.”
Ang ibang celebrities na naging Tanduay Calendar Girls ay sina Kylie Versoza, Bea Alonzo, Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Heart Evangelista, at ang pinalitan niya last year na si Julia Barretto.
***
KARLA BINATI
SI KATH SA
SUCCES NG HLG
NAGBIGAY ng kanyang reaksyon si Karla Estrada sa success ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Again.
Natanong si Karla, ang mother ng ex boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla sa success movie ng KathDen, HLA.
“Congratulations. I’m very happy. I’m very proud of Kathryn and Alden.”
Hindi raw niya ma-congratulate ang aktres ng personal dahil hindi pa rin daw sila nagkikita mula nang magkahiwalay ang anak at ang aktres.
***
TONI, CHARO AT DIREK PAUL NAG-USAP
PINOST ni Toni Gonzaga ang pagkikita nila ng dating ABS-CBN president na si Ms. Charo Santos-Concio sa kanyang Facebook official, kamakailan.
Kasama ni Toni ang mister na si direk Paul Soriano.
Sey ng TV host-actress, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you!”
Binahagi ni Toni ang tungkol sa naging meeting nila ni Charo.
Maraming natuwa sa pagkikita ng dating executive ng Kapamilya at Toni.
Hslos isang taon din na walang komunikasyon ang Multimedia host/actress sa dati niyang home studio dahil sa pulitika.
Ang tanong ng netizens, ano raw kaya ang pinagpulungan ng tatlo?
May kaugnayan daw ba ito sa pagbabalik ni Toni (kung meron man) sa Kapamilya network?
Ang reaksyon ng netizens, “It’s all business. Can’t burn bridges when it comes to business.”
“Wishing Toni to be back to Kapamilya, a very smart host!”
“Yung hanggang ngayon hindi ka pa rin maka move on. Nag move on na nga sila oh! Thats how politics and showbiz work. Kita mo nga yung dating hate nilang manalo, kadikit nila ngayon (first lady). Ganun talaga kalakaran nila. Kaya wag na tayo makipag away sa kabila.”
“Pag etong magkapatid talaga nakabalik sa kapamilya ewan ko na lang. Magsara na kayo nang tuluyan.”
“may connection pa ba ang gonzagas sa current admin? may bearing pa? i heard nagkaroon ng conflict nung SONA at iniwan na sila sa ere nung sinuportahan nila.”
“Ma’am charo is back i forgot her position sa abs cbn pero mataas, or baka naman a project with ma’am charo lang”
“Baka tuloy na pagbabalik ng mmk at may new host”
Ang thinking naman ng ibang commenter,
“Probably a movie project offered to Ma’am Charo dahil kasama ang jusawa. Kung tv project si mudrabel ang dapat na kasama sana dahil ito ang tumatayong manager ni Toni.”