Advertisers
SA halip na maging huwaran ng mga kabataan ay hayagan ang kavalvalan daw ng isang VAKLANG MAYOR sa isang bayan ng RIZAL PROVINCE.., dangan kasi e pati peryahan pinasok na rin sa hangaring makalikom ng pera para sa nalalapit na halalan?
Tawagin natin sa pangalang ALADDIN GENIE D’LION etong MAYOR na higit na kilala sa Rizal sa sandamakmak daw na kabalbalan sa loob at labas ng lokal na pamahalaan.., na ang kanyang bayan ay matatagpuan sa baybaying bahagi ng LAGUNA DE BAY na hindi lang isa ang kanyang peryahang dinudumog ng mga kabataan.., yun nga lang e hindi para sa mga adrenaline rides tulad ng ferris wheel, caterpillar at iba pa.
Ang pakay ng mga kabataan ay ang sugal lupa sa loob ng peryahan ni MAYOR at pati mga obrerong bagong sahod, hilahod paglabas ng peryahan matapos mabudol ng mga kamador ng illegal na pasulagan.., in short e ubos ang sahod.
Ang masaklap ay naging tagpuan na rin daw ng mga drug pusher at parokyanong adik ang mga naturang peryahan na matatagpuan sa kahabaan ng national roads na ang isa ay malapit sa munisipyo at ang isa naman ay nasa hangganan ng Metro Manila. Doon nagaganap ang abutan ng pera at shabu at marijuana ayon sa mga PERYANTENG MARITES.
Pero ang mga pulis dedma lang daw sa garapalang abutan ng droga, color game, drop ball at iba pang larong may pustahan.., kasi nga raw ay may pakinabang na bukod daw sa lingguhang patong sa hepe at kay kapitan e gabi-gabi may nangangalabit at umoorbit.
Sino ba naman kasi ang nagtulak sa VAKLANG MAYOR na yan na pasukin ang negosyong peryahan.., e wala raw iba kundi ang tuta o JULALAY niyang si KING ELY PHANT.
Bulong sa akin ng mga PERYANTENG MARITES e hindi lang si MAYOR ang may-ari ng dalawang peryahan sa kanyang nasasakupang bayan.., kasi meron daw siyang pakner na kilala sa industriya ng perya na isang alyas DIZZY PENSIYON.
Si PENSIYON ang nangapital habang si MAYOR naman ang PROTECTOR.., pero teka, hindi ba’t may peryanteng nakunan na ng pera si mayor.., bakit niya biglang ipinasa sa iba? A mas malaki siguro ang suhol at si PENSIYON e kilala raw yan sa sugal-lupa na lahat yata ng ilegal na sugal meron yan, kaya nga labs daw yan ng kapulisan?
Sa puntong ito ay nagtatanong ang mga PERYANTE (yun nga lang di nila magawang magtanong at takot din sila) kay RIZAL PROVINCIAL POLICE CHIEF COL. FELIPE MARAGGUN kung ano raw ba ang meron sa dalawang peryahan ni DIZZY PENSIYON?
Usap-usapan ang di umano’y pagkaladkad ni PENSIYON sa di umano’y kuya niyang nagngangalang GEN. ESQUIVEL.., a kaya naman pala feeling untouchable.., at ang tanong e papayag ba ang GENERAL na sirain ni DIZZY PENSIYON ang pangalan at integridad na itinaguyod niya sa mahabang panahon? Siguro naman hindi siya kuyang kunsintidor.
Kung hindi kayang ipasara ng mga pulis ang kanlungan ng bisyo sa lokalidad na kilalang sentro ng damitan e ia-update na lang daw ng mga PERYANTENG MARITES si PNP CHIEF ROMMEL MARBIL!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.