Advertisers
Ni Oggie Medina
LUMABAS ang aking ama, si Antonio “Tony” B. Medina, sa pelikulang “Squatters” ng LVN noon 1953. Ang nasabing pelikula ay nagtampok kina Nestor de Villa at Nida Blanca at ito ay sa direksiyon ni Gregorio Fernandez (ama ni actor Rudy Fernandez) at isinulat nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Garcia.
Kasama rin sa cast sina Tony Santos, Gil de Leon (ama ni actor Christopher de Leon), Alfonso Carvajal, Johnny Reyes (tiyuhin ni Direk Efren Reyes Jr.), Elena Acosta, Letty Alonso, Ester Bautista, Natoy Katindig, at Miniong Alvarez.
***
ANG aking bunsong kapatid, si Au Medina, ay lumabas sa mga pelikula ni rapper-comedian Andrew E (may major concert siya sa Disyembre 11 sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City).
Si Au ay naging miyembro ng New Vicor Dancers, Solid Gold Dancers, at 1945 Dancers.
***
ANG aking tiyuhin, si Jim M. Fernandez, ang may akda ng mga ZUMA serye sa komiks. Marami sa likha niya ay isinapelikula. Naging illustrator din siya ng Darna serye ni Mars Ravelo.
***
ANG aking lolo, si Direk Felicing Constantino, ang direktor ng LVN na nagpasikat kina comedy queen Nida Blanca at dramatic actress Charito Solis.
***
ANG aking pinsan, si Yeng Constantino, ay isang sikat na singer. Madalas kong inaawit ang kanyang kantang Ikaw sa mga videoke.
***
SI Ramon Gahol Orlina, isang kilalang glass sculptor, ay pinsan at guardian ko rito sa Pilipinas habang nasa Amerika ang aking immediate family. Siya ang may-ari ng Museo Orlina sa Tagaytay City.