Advertisers

Advertisers

Nahusayang mag-perform si JK… Amazing na, super sexy pa! — Sarah

0 9

Advertisers

Ni Rommel Placente

“I’m so proud of JK, bihira na lang ‘yung ganyang artist.” Ito na lamang ang nasabi ni Sarah Geronimo sa interview ng Kapamilya network, nang manood ito ng concert ni Juan Karlos Labajo noong Sabado sa SM MOA Arena, bilang bahagi ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Kasama ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli, sumang-ayon ito sa kanyang misis at sinabing ‘basta bisaya’.



Matatandaan, si Sarah ay naging isa sa mga coaches noon ng the Voice Kids Philippines 2014 pero pinili ni JK na coach si Bamboo.

Dagdag pa ng Popstar Royalty, grabe raw ang growth ni JK, amazing mag-perform, ‘ yung quality talent at biro niya super sexy.

Ni-remind pa ni Sarah ang kantang gagawin nila. So aasahan natin na may collaboration na mangyayari between Juan Karlos and Sarah.

Ang Juan Karlos Live concert ay produced ng Nathan Studios ng aktres na si Sylvia Sanchez. Naging malapit ang dalawa nang magkatrabaho sila sa seryeng Senior High ng Kapamilya network.

Speaking of Sylvia, dream come true para sa kanya ang maipag-produce ng concert ang anak-anakan niyang si JK.



“Gusto ko umiyak. Three years kong niligawan si JK, at ito nangyari na. Idea niya lahat ito together with Paolo (Valenciano),” sabi ni Sylvia.

Si Paolo ang direktor ng concert ni Juan Karlos.

Patuloy niya,“Sabi ko rati, ‘Nak tara concert tayo.’ Lagi niyang sagot ayaw pa niya. Kaya sabi ko sige hihintayin kitang magsabi.’ Laging ganu’n tuwing mag-uusap kami ‘yun at ‘yun ang tanong ko, laging hindi pa rin ang sagot, hindi pa raw siya handa. Magkasama kasi kami sa Senior High at kinukulit ko talaga siya.

“Sabi ko pa nga, ‘kaya mo na ‘yan, may Buwan at Ere ka nang sikat na kanta okay na ‘yan.’ Pero hindi pa rin siya pumapayag,” sey pa ng award-winning actress na ngayon ay isa na ring movie at concert producer.

Hanggang sa nakatanggap na si Ibyang ng tawag mula sa talent management ni JK at ng music label nito na sinabing handa ng itong mag-concert sa malaking venue.

“Sabi sa akin ng UMG, may mga gustong mag-produce na ng show ni JK at sinabi nila kay JK, sabi raw, teka muna, may napangakuan ako, si tita Sylvia ‘yun,” aniya pa.

Samantala, magkakaroon ng world tour ang “Juan Karlos LIVE” sa Australia, Canada at Amerika next year.

Napanood namin ang naturang concert at talagang punung-puno ito at nag-enjoy kaming lahat ng nanood. Ang husay-husay na performer ni Juan Karlos talaga.
Isa sa nagustuhan namin ng part ng concert ay nu’ng lumabas sa MOA si Juan Karlos habang kinakanta ang Manhid.