Advertisers
Nobyembre 25, 2024, isang linggo na rin ang nakalilipas nang gunitain ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkatatag sa pulisya ng lungsod – 85 taon gulang na ang pulisya sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan ng lungsod.
Tema sa ika-85 anibersaryo ay “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas”. Panauhin pandangal at tagapagsalita sa okasyon ay ang multi-awarded mayor sa National Capital Region (NCR) na si Mayor Joy Belmonte.
Ang QCPD ay pinamumunuan ngayon ni PCol. Melecio M Buslig.
Naging highlights sa okasyon ay ang pagkilala sa mga magagaling at magigiting na pulis at police station ng lungsod na malaki ang naiambag sa pagbaba ng krimen upang matiyak ang seguridad ng milyong QCitizens.
E sino-sino nga ba itong may mga malaking ambag para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lungsod?
Unahin natin kay PMajor Don Don Llapitan. Nakuha lang naman ulit—inuulit ko ha. Nakuha lang na naman ni Llapitan ang parangal bilang Best Commissioned Officer of the Year.
Nabanggit natin ang ‘na naman’ para kay Llapitan, Hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dahil noong nakaraang taon sa ika-84 anibersaryo ng QCPD, si Llapitan din ang kinilala sa parehong parangal. Isa lang ang ibig sabihin nito…alams na.
Heto pa, ang unit din ni Llapitan – ang CIDU – ang muling pinarangalan bilang Best District Operating Unit…nakuha rin ng CIDU ito noong nakaraang taon. Isa lang talaga ang ibig sabihin nito. Good leadership kung saan ang resulta ay pagkakaisa ng buong puwersa ng CIDU para sa kapakanan ng QCitizens.
Congratulations Maj. Llapitan, sampu ng bumubuo ng CIDU, siyempre kung hindi sa ‘backbone’ ng CIDU , wala itong back-to-back award.
Mapunta naman tayo sa pinakamagaling na Station Commander – sino nga ba? Hindi pa man pinaplano ang para sa selebrasyon ng ika-85 anibersaryo ng QCPD ay matunog na ang pangalang Police Lt. Col. Romil C Avenido, hepe ng Batasan Police Station (PS 6).
Si Avenido ang nanguna sa listahan para sa parangal dahil sa mga magagandang accomplishment nito o ng istasyon laban sa ilegal na droga. Katunayan, ang istasyon ang may pinakamataas na bilang ng anti-illegal drug operation na nagresulta sa pinakamataas bilang ng nadakip at pinakamataas na bilang ng narekober na shabu at iba’t ibang klase pa ng droga kompara sa 16 police station.
Nakapagtala ang PS 6 ng 274 anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng 400 katao (227 pushers/173 users) – (12 HVI /155 listed). Ang halaga naman ng droga na nakompiska; shabu – 2 kilos, 327 gramo na nagkakahalaga ng P15,823,511.60; Marijuana: 692 gramo nagkakahalaga ng P88,511.60; Marijuana Kush – 136 grams na may halagang P204,630. Sumatotal ng drogang nakompiska ay umabot sa P16,111,196.00.
Dahil sa matagumpay na drug operations, malaki ang ibinaba ng krimen sa nasasakupan ng PS 6. Hindi naman lingid sa atin kaalaman na ang droga ang isa sa pangunahin ugat ng iba’t ibang krimen.
Siyempre kung Best Police Station Commander si Avenido, iniuwi din ng Batasan Hills PS 6 ang parangal na Best Police Station of the Year.
Congratulations Col. Avenidao; Maj. Llapitan, at siyempre sa bumubuo ng Batasan Hills PS 6 at CIDU personnel.
To God be the glory.