Advertisers

Advertisers

WALONG SUGATAN SA INIREREKLAMONG PERGALAN!

0 1,070

Advertisers

DUMAGSA ang reklamo laban sa karnabal na “front” din ng mga ilegal na sugalan at bentahan pa ng shabu na inooperate ng kaalyado sa pulitika ni Naic Mayor Raffy Dualan.

Palibhasa kapanalig sa pulitika, kahit may mga reklamo na ang operasyon ng peryahang pulos sugalan (pergalan) na nailatag sa Brgy. Ibayong Silangan ay parang bulag, bingi at pipi ang naturang alkalde ng kaya’t hindi nakapagtatakang kapahamakan ang sinapit ng walong katao.

Ang walong mga kababayan ni Mayor Dualan na pawang mga kabataan ay nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Ang mga kabataang ito ay naengganyong sumakay sa di nila alam na may maluwag na turnilyo at dispalinghadong Octopus ride ngunit pinayagan at hinayaan ng lokal na pamahalaan na ioperate ng financier ng naturang pergalan.

Sa nangyaring aksidente ay hindi lamang si Mayor Dualan ang nag-iisang maituturing na responsable, kundi maging ang kanyang mga opisyales na nag-isyu ng clearance upang mabigyan ng alkalde ng Permit To Operate Mini Carnival o Perya ang maintainer ng peryahan.

Nanawagan ang SIKRETA na ipahinto na ni Mayor Dualan ang operasyon ng pergalan sa Brgy. Ibayong Silangan na hindi lamang magsusugal ang dumarayo kundi maging mga drug addict na naghahangad na makabili doon ng kanilang supply na shabu sa nagtatambay na mga drug pusher.

Nagtataka ang SIKRETA kung bakit hindi narinig o nakarating sa kaalaman nina Mayor Dualan, Naic Police Chief LtCol. Ericson B. Nato at maging ni Cavite Provincial Director Dwight Alegre ang mga reklamong naunang idinulog sa SIKRETA. Ayon sa mga magulang ng apektadong mga kabataan ay di lamang talamak ang operasyon ng pasugal ni alyas Aling Lodie sa kanyang mini carnival kundi lantaran din doon ang pagtutulak ng shabu.

Totoo kayang hindi alam at di nakarating kina mayor, hepe at PD ang ulat na pugad ng ilegal na sugal at salyahan pa ng shabu ang karnabal ni alyas Aling Lodie upang lumitaw na hindi sila nagpabaya sa kani-kanilang mga tungkulin sa kanilang mga mamamayan?



Kilalang beteranang operator ng peryahang pulos sugalan (Pergalan) na may shabuhan pa si alyas Aling Lodie, ngunit nakapagtatakang taon-taon na lamang ay pinapayagan pa din makapagpatakbo ito saan mang bayan o siyudad na naisin nitong maglatag ng pergalan sa lalawigan ni Cavite Governor Athena Bryana Tolentino.

Hindi na nakapagtatakang lantarang makapag-operate ng sugal na color games, drop balls, beto-beto at iba pang madadayang table at card games sa mismong “tungki ng ilong” lamang nina Mayor Dualan, LtCol. Nato at PD Alegre pagkat tulad ni alyas Aling Lodie ay talamak din ang operasyon ng mga saklaan ng isang Maricon na ilang taon na ding nagpapatakbo ng sangkaterbang sakla den sa maraming barangay na nasasakupan ni Mayor Dualan? May balita na magbibigay ng campaign fund sina Maricon kay Mayor Dualan sa May 2025 Election.

Kung ang SIKRETA ay nararating at nakakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga operasyon ng ilegal na pergalan ni alyas Aling Lodie at mga saklaan ni Maricon ay walang dahilan upang hindi makaabot sa kaalaman nina Mayor Dualan, LtCol. Nato at Col. Alegre ang operasyon ng mga ilegal na ito?

Kung sana naging bukas ang mata nina Mayor Dualan, LtCol. Nato at Col. Alegre ay hindi na sana sinapit ng mga kabataan ng Naic ang kapahamakang dinanas ng mga ito sa pergalan na ang atraksyon ay ang depektibong Octopus ride, pasugal at droga?

***

Para sa komento: Cp. No. 0966406614