Advertisers

Advertisers

10 years nawala sa showbiz… Jomari magbabalik-showbiz matapos grumadweyt ng kolehiyo

0 13

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAGTAPOS ng master’s degree ang actor-politician na si Jomari Yllana at ito ay proud na proud na ibinandera ng kanyang misis na si Abby Viduya sa social media.

Nagtapos siya ng master’s degree na management major in public administration sa Philippine Christian University (PCU) noong November 29.



Sa Instagram, makikita ang ilang graduation photos ni Jomari.

Ang caption dito ni Abby, “Congratulations my husband! I’m so proud of you baby [flying kiss emoji].”

Mensahe niya, “I love how you turn dreams into reality. Keep dreaming and never forget that anything is possible.”

Sa isang interview, ibinunyag ni Jomari na bukas siyang i-pursue ang doctorate degree.

“Walang impossible sa Diyos basta gustuhin mo kayang kaya mo ‘yan. Kahit ano walang imposible sa mundo. Kung ano ‘yung gusto mo mag-achieve may kasamang sakripisyo pero kayang kaya kahit anong lifestyle mo,” sabi ni Jom sa isang interview.



At bilang matatapos na rin ang termino niya bilang konsehal ng 1st district of Parañaque, nagbabalak siyang bumalik sa showbiz industry!

“Isa sa pinaka exciting, ‘yung nagbakasyon ka. I stopped showbiz, late thirties, so kapag bumalik ako mag fifty na. Eksakto 10 years ako na nawala. Pinaka exciting sa artista ‘yung re-packaging.

“Ako sakin ha hindi ako kinakabahan. Kahit nung araw, my very first audition for ‘Hihintayin Kita sa Langit.’ Kahit nung umpisa walang kaba. More like excitement,” aniya pa.

Isa si Jomari sa mga pinakamahuhusay nating aktor ngayon. Siguradong marami pa rin ang interesado na bigyan siya ng mga proyekto. Naniniwala kami na makakabalik siya.

***

BARON GEISLER HINIHILA PATAAS NG CO-STARS NG SERYE

MAITUTURING ni Baron Geisler na malaking blessing para sa kanya ang mapabilang sa cast ng upcoming teleserye ng Kapamilya network, na Incognito. Bukod sa napakalaking project daw kasi ito, nagpapasalamat siya sa co-stars na aniya, ay humihila sa kanya paitaas.

Naging mga friends niya raw ang mga ito at nagtutulungan sila.

Special mention niya si Daniel Padilla, na one time raw palipad siya papuntang Japan para mag-shoot ng pelikula ay nagtext daw ito sa kanya at sinabing ‘ ‘o pare, lilipad ka, ‘wag kang magkalat diyan, ha?’

“That really meant a lot to me, ‘di ba?” banggit pa ni Baron.

Pinuri niya rin ang pinagbago ng aktor na aniya ay sobrang laki ng changes at nagmature na rin.

Big bro naman ang turing niya kay Ian Vene­racion na hinihingan niya ng payo.

Mentor niya raw ito at kapag may questions siya about life ay napaka-deep daw nito.
Ang show ay mapapanood na simula sa January 17, 2025 sa Netflix.