Advertisers

Advertisers

Lotlot nagpasaklolo Kay Vilma sa ‘Uninvited’

0 10

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

DALAWANG taong magkasunod na may pelikulang kasali si Lotlot de Leon sa 50th Metro Manila Film Festival; noong isang taon ay nasa cast siya ng When I Met You In Tokyo, at ngayong 2024 ay kasali siya sa Uninvited na bida rin, tulad sa When I Met You In Tokyo, ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“Super grateful! “Grateful na nakukuha ako, napagkakatiwalaan ng mga producers to be part of their film,” umpisang lahad ni Lotlot.



“And this is actually my second film with Tita Vilma because last year is When I Met You in Tokyo.

“But wala kaming eksena dun, meron kaming eksena phone call, pero wala yung talagang magkatabi at nag-uusap.

“So this time it’s different because I had an honor to work with her closeup, face-to-face, so very special.”

Ilan ang eksena na magkasama sila ng Star For All Seasons.

“Malalaman nila pag pinanood nila yung pelikula,” nakangiting sagot ni Lotlot.



Kinumusta namin sa award-winning actress ang unang araw ng shoot nila ng Uninvited.

“When I got there my call time was in the morning, and then, nung dumating si Tita Vilma, she immediately looked for me.

“So she went to the tent where I was and then sabi niya, ‘Lot so nice to see you!’

“She was very warm, very welcoming and then nagyakapan kaming dalawa and then sabi ko, ‘Tita ‘wag niyo po akong pababayaan, ha?’

“Tapos natawa siya, sabi niya, ‘Ano ka ba, kayang-kaya mo ‘yan.’

“So it was a great start to that day, prior to shooting.”

Sa Uninvited, ano ang puwede niyang ikuwento tungkol sa pelikula na walang spoiler siyang maibabahagi?

“Ibang-iba ‘tong pelikulang ‘to,” bulalas ni Lotlot.

“I think sa lahat ng nagawa ni Tita Vilma, the story, the direction, and ano siya… basta maganda, maganda yung pelikula.

“Ibang-iba. Not like any other film that’s been done before.”

Nasa pelikula rin sina Aga Muhlach, Elijah Canlas at Nadine Lustre.

Ano ang kaugnayan ng karakter ng mga nabanggit na artista sa karakter ni Lotlot sa Uninvited?

“Kailangan nilang panoorin kasi pag nagkuwento ako baka ma-preempt,” at tumawa si Lotlot, “so abangan na lang nila.”

Ano ang pakiramdam kapag may pelikula sa filmfest tuwing Disyembre na kasama siya?

Nakakadagdag ba yun sa festivity ng Christmas?

“For me? Siyempre kasi I think ngayon ang filmfest is the one that’s most looked out for, di ba?

“Pag may film festival, especially pagdating ng Pasko, masaya.

“Again, I’m grateful kasi naging parte ako ng isang magandang-magandang pelikula, more than that, kasama ko si Tita Vilma, so happy.”

Mula sa Mentorque Productions at Project 8 sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures, ang Uninvited ay sa direksyon ni Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao.

****

AYAW paawat ng Skinlandia na wellness and beauty clinic nina Madam Noreen at Juncynth Divina dahil going international na sila!

Kasi naman, ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang sikat na Korean actor/model/basketball player na si Moon Su-in.

Impressive ang achievements ni Moon Su-in; noong 2011 ay napili siya ng yumaong si Kobe Bryant bilang the MVP para sa inter-university basketball tournament sa Kobe Bryant in Seoul Tour.

Taong 2014, sumali si Moon bilang modelo at ace player ng Korean celebrity and model team na Code One na sinundan pa ng maraming proyekto sa South Korea.

Ang naging susi sa pagdadala dito sa Pilipinas kay Moon Su-in ay si Rams David ng Artist Circle Talent Management na siya ring humahawak ngayon ng career ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.

Unang endorsement niya ay ang ER Guard ng Medicare Plus Inc. kung saan isa rin sa may hawak ay ang aktres na si Shyr Valdez.

At dahil malapit na magkakaibigan at magkakatrabaho sina Noreen, Rams at Shyr ay napili na ring endorser ang Korean celebrity ng skin, beauty and wellness clinic na Skinlandia ni Noreen na matatagpuan ang unang branch sa SM Fairview.

Ngayon ay susubok si Moon ng kanyang kapalaran sa Pilipinas at