Advertisers

Advertisers

BELIEVING THEIR OWN LIES

0 15

Advertisers

Walang kinalaman sa impeachment complaints na inihain laban kay VP Sara Duterte ang naging Christmas fellowship kagabi ng mga mambabatas kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginanap sa Palasyo ng Malacanang.

Ito ang paglilinaw ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega.

Sinabi ni Ortega nasa 200 mga Kongresista ang dumalo sa dinner at ang highlight sa fellowship ay ang pag prisinta sa manifesto of support ng Kamara sa Chief Executive.



Giit ng mambabatas na layon ng fellowship dinner na paigtingin pa ang camaraderie at pagpapakita ng suporta sa administrasyon ng Pang. Marcos.

Kaya walang katotohanan ang mga ulat na lumalabas sa social media.

Dagdag pa ni Ortega na ang nasabing fellowship dinner ay matagal ng pinlano, hindi lamang natuloy nuon dahil sa conflict ng iskedyul subalit natuloy na ito kamakalawa ng gabi.

Kuwento ni Ortega, bago ang dinner nagbigay ng talumpati si Speaker Martin Romualdez at iprinisinta ang resolution of support na una ng inaprubahan sa plenaryo.

Hay naku, these congressmen tend to believed their own lies!



At any rate,bahala na kayo sa buhay nyo!

Total ginusto nyong mabuhay sa pang- araw- araw na kasinungalingan.

Birds of the same feather,fuck together!

Goodluck sa biyahe nyo papuntang impiyerno!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com