Advertisers
SINIGURO ng pamunuan ng House of Representatives o Kamara ang 100 porsiyento na suporta sa administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Ito’y kasunod ng mga pag-atake ng pamilya Duterte partikular ni Vice President Sara Duterte-Carpio kay PBBM, sa may bahay nito, at sa Speaker ng Kamara na si Martin Romualdez.
Ang majority ng mga kongresista ay lumagda sa isang ‘manifesto’ na buong buo nilang susuportahan si PBBM partikular ang mga programa nitong pangkabuhayan ng mamamayan.
Si Romualdez ay pinsang buo ni PBBM. At malaki ang posibilidad na kapag na-impeach si VP Sara ay ito (Romualdez) ang ipalit. Feeling ko lang ito, mga pare’t mare.
Kasi nga ang Pangulo ang may kapangyarihan magtalaga ng Bise Presidente sakaling mawala ang huli. Mismo!
Sinabi rin ito ni Senate President Chiz Escudero. Aniya, kapag nagtagumpay ang impeachment, napatalsik si VP Sara, hindi awtomatikong ang Senate President ang uupong Bise Presidente kundi ito’y nasa kamay ng Presidente. Maliwanag yan sa ating Saligang Batas!
At bakit ko naman nasabing si Romualdez ang malamang italaga ni PBBM sakaling mawala si VP Sara? Aba’y dahil pagkakataon na ito ni PBBM na ang papalit sa kanya pagkatapos ng kanyang termino sa 2028 ay kanyang kadugo. Yan ay si Romualdez, hindi ang sister niyang si Sen. Imee Marcos na hindi kasundo ni First Lady Liza. Peks man! Hehehe…
Speaking of impeahment, sinabi ni Senate Pres. Escudero na kapag umakyat sa Senado ang impeachment complaints laban kay VP Sara, wala silang magagawa kundi sundin kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas. Boom!!!
***
Inaabangan ngayon ang ipinahayag ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na magsasagawa sila ng mga rally para pigilan ang pagpatalsik kay VP Sara, bilang suporta narin daw sa panawagan ni PBBM sa Kamara na huwag patalsikin ang Bise Presidente.
Kapag nagsimula nang magsagawa ng serye ng mga rally ang INC, na sinasabing mayroong 20 milyong solidong miembro, masusubukan ang tatag ng mga kongresista partikular ang miembro ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga “katiwalian” ni VP Sara.
Subaybayan!
***
Ipinahayag ni Speaker Martin Romualdez na wawalisin nila ang smugglers sa bansa na ugat ng manipulasyon sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Pinakilos na ni Romualdez ang limang House committees (Quinta Committee) para mbestigahan kung bakit mataas parin ang food prices gayong mababa na ang farmgate prices at global trade prices, lalo ang bigas.
“The kilo of rice is still at P50 to P60. The savings of the businessmen should be passed to the customers, right? ” duda ng House leader.
Aniya, target ng Quinta Committee kung sino ang nakikinabang mula sa tariff reduction at pagbaba ng presyo ng bigas sa world market, at mababang presyo sa farmgate.
“We will not harm anyone, whoever is behind controlling the purchase price, we will be charged with price manipulation or smuggling,” babala ng Speaker. “Let this be an advance warning to the businessmen who make ordinary customers suffer.”
Abangan!