Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul, Konsi Bong Marzan, Asenso Manileño fam, namahagi ng Christmas Boxes sa Dist. Kuatro

0 26

Advertisers

NAGSIMULA nitong nakaraang Linggo, December 1, pinangunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, city officials at Asenso Manileño family ang 12 na distribusyon ng 650,000 Christmas boxes ng Noche Buena food items sa lahat ng households sa lungsod.

Ang 12 days of Christmas ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Lacuna at Servo ay lumapag sa Distrito Kuatro para sa ika-2 araw ng distribusyon ng Christmas Boxes.

Kasama si Konsi Bong Marzan at iba pang miyembro ng Asenso Manileño Family na kinabibilangan nina Dra. Giselle Maceda, Konsehala Science Reyes, Doktora Dianne Nieto, Christian Floriendo, Roy Bacani at Chairman Freddie Bucad, ay sinimulan ng mga emisaryo ng regalo at pag-asa ang pamamahagi ng Christmas Boxes sa Brgy. 454, Dos Castillas,Sampaloc.



Kabilang sa mga barangay sa Distrito Kuatro na kung saan namahagi ng Christmas Boxes sina Lacuna, Servo, Marzan at Asenso Manileño family ang Brgy. 560, Zone 55 sa ilalim ni Chairman Jesuel Joble, Brgy. 562 sa ilalim ni Chairman Rolando Bunag at Brgy. 490 sa ilalim ni Chairwoman Agapita Pamulaklakin.

“Ang Paskong ito ay pagkakataon para ipagdiwang ang pagmamahal sa pamilya, kapwa, at komunidad. Sa Distrito Kwatro, ang Sampaloc Manila, tayo’y magkasama sa bawat hakbang ng pagtulong at pag-aalaga sa isa’t isa,” saad ng mensahe ng Asenso Manileño.

“Sa mga darating na araw, sana’y magsilbing gabay ang diwa ng Pasko upang magsikap tayo para sa mas maginhawa at mas matagumpay na bukas para sa ating komunidad. ”

“Huwag nating kalimutan ang pagpapakumbaba, pagtutulungan, at pagmamalasakit sa mga nangangailangan sa ating paligid,” ayon pa sa mensahe. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">