Advertisers

Advertisers

Arjo suportado ang pagiging abala sa showbiz ng misis na si Maine

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

GAANO ka ka-hands-on si Arjo Atayde sa Nathan Studios kapag project niya ang involved, tulad ng Topakk?

“Pag Nathan po… mas hands-on na sila Ria kasi masyado na akong madaming ginagawa,” at natawa si Arjo.



Pero kapag siya na mismo ang bida, may say ba siya halimbawa sa materyal?

Pag-aari ng Atayde family ang Nathan Studios kung saan punong-abala sina Ria Atayde na kapatid ni Arjo at ang ina nilang aktres na si Sylvia Sanchez.

Lahad pa ni Arjo, “Definitely sila po, sila po, yung sa material po, sa mismong project.

“Hindi naman po kasi ako ano e, I’ve always worked with whatever project. Sabi ko as long as the character makes sense, may laman, I’m happy, I can be whatever character you want under the sun, and I’ll try my best to pursue that certain…that’s the challenge, that’s the challenge that we look for as actors, definitely yun. But picking the project, I just trust the process, that’s the word.

“More than picking, schedule na lang po yung problema ko ngayon e, so definitely I have priorities and that’s what keeps me busy.



“But obviously pag kaya po ng schedule, if they have something to present, I just jump in right away, and I’ll never say no because obviously this is one of my worlds.”

Of course, very happy pa rin ang married life ng 33-year-old actor with his wifey, Maine Mendoza. And he’s also busy being a public servant to his constituents in Quezon City as a Representative of District 1.

Ngayong Disyembre ay isasabay ni Arjo ang kanyang pagiging makabuluhang public servant sa kanyang papel bilang mahusay na aktor; official entry sa 50th Metro Manila Film Festival sa December 25 ang pinagbibidahan niyang hardcore action/drama film na Topakk mula sa Nathan Studios, sa direksyon ni Richard Somes.

Unang ipinalabas ang Topakk sa 78th Cannes Film Festival noong May 2023 at nag-premiere naman sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland nitong August 2023.

Nasa pelikula rin sina Julia Montes, Enchong Dee, Koko de Santos, Sid Lucero, at marami pang iba.

At base sa trailer ng Topakk, malaki ang laban ni Arjo na maging Best Actor sa MMFF.

Kung abala si Arjo bilang isang mahusay na aktor at Congressman ng 1st District ng Quezon City, busy naman ang misis niyang si Maine Mendoza bilang host ng Eat Bulaga! at endorser ng sari-saring produkto.

At sa tanong kay Arjo kung hindi ba niya pinipigilan kung gusto pa rin ni Maine magpakaabala sa showbiz…