Advertisers

Advertisers

Maris nawalan ng 2 endorsement sa nega isyu kay Anthony; Angel hinanap ng netizens sa ABS-CBN Christmas Station ID

0 40

Advertisers

Ni Beth Gelena

EMOSYUNAL na ibinalita ng sikat na singer, si Elton John na siya ay bulag na.

Sa harap ng audience sa Dominion Theatre, London ini-announce ng British music icon that he lost his sight.



Pinilit umano niyang marekober ang kanyang paningin nang magkaroon siya ng eye infection na nagsimula nito lang taong ito ng July.

Nanood ng show ang batikang mang-aawit sa isang theater performance na ginanap sa Dominion Theatre Pagkatapos ng show, saka ibinalita ng icon singer ang nangyari sa kanya.

Sey ng music legend, “As some of you may know I have had issues and now I have lost my sight. I haven’t been able to see the performance but I have enjoyed it.”

Komento ng kanyang mga tagahanga.

“My heart is aching for him. He is one of my favorite singers.”



“That’s ok. it’s good that he’s still alive, so he’s not alone, there are three of them, Jose Feliciano and Stevie Wonder.”

***

HINAHANAP ng fans si Angel Locsin sa Christmas Station ID 2024 ng ABS-CBN.

Hindi nakita si Angel sa ABS-CBN Christmas ID 2024 na inilunsad noong Disyembre 2. Nag-trending ang pangalan ng aktres sa X habang inaasam ng mga netizen ang kanyang pagbabalik.

Patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga ang aktres at umaasa silang magbabalik ang aktres sa 2025.

Muling pinag-usapan si Angel sa social media matapos mapansin ng kanyang mga tagahanga ang kawalan niya sa ABS-CBN Christmas ID 2024.

Nadismaya ang mga fans nang hindi nila nakita ang kanilang idolo.

Higit na dalawang taon na hindi nagpaparamdam ang aktres sa showbiz.

Sabi ng mga fans, “Akala ko may appearance si Angel Locsin sa #ABSCBNChristmasID2024.”

“Inabangan ko talaga si Angel kagabi kahit manlang sulyap.. hoping and praying na may comeback siya sa 2025 kahit judge lang.”

“Angel Locsin when ka ba babalik? Miss ka na ng lahat.”

Sa naunang panayam kay Dimples Romana, ang malapit na kaibigan ng aktres ay sinabi niyang okey at masaya ang mag-asawa.

Wala umanong katotohanan na hiwalay na ang dalawa tulad ng unang napapabalita.

Umaasa ang fans ng aktres na sa 2025 ay magpaparamdam na ang kanilang idolo.

***

EX-GF NI ANTHONY JENNINGS TULUYANG PINAKAWALAN ANG AKTOR

MAY sinulat ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings para sa kanya.

Sa Instagram ni Jam Villanueva, ang ex ng actor, sinabi niyang si Anthony

has been her rock, her best friend and partner for almost 7 years.

Pinasalamatan niya si Anthony sa kanilang memories na pinagsamahan throughout the years.

Hindi raw niya ma-imagine na mapakawalan ang ex, pero ginawa niya ito para raw matagpuan nito ang happiness na hinahanap.

Eto ang kabuuan ng heartfelt letter ni Jam.

“For nearly 7 years, I’m so grateful for you being my rock, my best friend, and most especially my partner. The memories we’ve shared over those years are the ones I will always treasure and remember. I know I’ve loved you enough to make you feel that way, and I could never think of anyone who would make me feel the way you do. You’re my first in so many things, and I’m glad I got to experience them with you.

“I know we’ve had our ups and downs, but I also know how much you’ve taught me through it all. Thank you for being there for me that I never thought I could have, and for that, I’ll always be grateful. Happiness was all I ever wanted for you, in our years of living together. I never imagined I’d have to let you go, but I did, so you could grow and find happiness on your own.”

Si Anthony ay isa sa popular actors ngayon ng current generation.

Nag-click ang loveteam nila ni Maris Racal, as MaThon nang magsama sila sa Can’t Buy Me Love.

By the way, hindi maganda ang impression ng MaThon sa mga netizens dahil sa kanilang isyu.

Katunayan, dalawang endorsement umano ni Maris ang nag-pull out na at maging kay Anthony ay gayundin dahil sa negativity ng loveteam.