Advertisers

Advertisers

SUGALAN AT SHABUHAN NI KA MUNDO, PONDO SA “MANOK” NI MAYOR DIMAYUGA?

0 1,205

Advertisers

HALOS gabi-gabi na lang ay may krimen na nagaganap sa Brgy. San Antonio sa bayan ni San Pascual Mayor Antonio Dimayuga ngunit ang mga insidente ay hindi naman naitatala sa police official blotter ng lokal na pulisya.

Duda ang mga residente na kusang itinatago, hindi itinatala ng mga pulis sa kanilang official blotter ang mga “unusual incidents” sa pasugalan na may shabuhan sa tapat ng Waltermart upang huwag malantad sa mga mamamayan at maging sa media ang gabi-gabing karahasan sa pasugalang nailatag doon ng isang Ka Mundo.

Ang kaguluhan ay kalimitang kinasasangkutan ng mga sugarol at drug addict na suki sa gambling at drug den na halos ay may isang taon nang nag-ooperate sa naturang bayan na hindi naman pinatitigil ang operasyon ni San Pascual Police Chief Major Ricky Fornolles.



Pansamantalang ipinatigil ng dating hepe ng San Pascual Police Office ang operasyon ng puesto pijo ng color games at cara y cruz (Tao-Ibon) ni Ka Mundo bago naupo si Maj. Fornolles bilang bagong police chief ng naturang bayan pagkat maugong noon ang balitang mapapalitan ang naturang hepe dahil sa reklamo kaugnay sa naturang ”untouchable” gambling/drug operation sa naturang lugal.

Ngunit isang araw pa lamang na nakakapwesto bilang bagong police chief si Maj. Fornolles ay itinuloy agad ang mga pasugal doon sa utos kuno kay Maior ng isang local at top PNP official?

Hindi lamang beteranong gambling operator si Ka Mundo kundi kilala din ito sa larangan ng illegal drug, sa katunayan ay kabilang ito sa listahan ng high value target sa war on drugs ni dating President Digong Duterte.

Ginagamit nitong front ang mga naipalatag na puesto pijo ng pasugal na color games, drop ball, beto-beto at iba pang labag sa batas na card at table games sa pagbebenta ng shabu, kaya napakalakas at dinudumog hindi lamang ng taga San Pascual kundi maging ng mga kanugnog na bayan at mga siyudad.

Daan-daang libo araw-araw ang kinikita ni Ka Mundo sa kanyang gambling con shabu den, kalahati nito ay naibubulsa naman ng kanyang mga protektor sa lokal na kapulisan, Batangas PNP Provincial Office, PNP Region 4A at sa tanggapan ng PNP Headquarter sa Camp Crame, Quezon City.



Kaguluhan at krimen naman na pilit na pinagtatakpan ng pulisya, local government unit at maging ng mga barangay official ng Brgy. San Antonio ang kapalit ng pananatili ng pwesto ng gambling con drug den ni Ka Mundo.

Puesto pijo ang tawag sa pasugalan ni Ka Mundo pagkat ulani’t-arawin, Lunes hanggang Linggo ay tuloy-tuloy ang perwisyong operasyon nito dahil sa protection money na tinatanggap ng maraming police at government official upang pagtakpan ang nagaganap na kabalbalan sa Brgy. San Antonio.

Hindi lamang sina Maj. Fornolles at Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. ang tampulan ng paninisi kaugnay sa di matinag-tinag na operasyon ng pasugalan at shabuhan na ito ni Ka Mundo, kundi higit na apektado ang liderato ni San Pascual Mayor Antonio Dimayuga, Vice-Mayor Angelina D. Castillo at mga konsehal sa naturang bayan.

Ipinagyayabang ni Ka Mundo na pinopondohan niya ang kampanya ng kandidato sa pagka alkalde na sinusuportahan ni Mayor Dimayuga mula sa kinikita nito sa kanyang puesto pijo na sugalan at shabuhan. Kaya sino namang matitinong botante pa kaya ang magtitiwala sa kandidatong susuportahan ni Mayor Dimayuga? Hindi na tatakbo bilang re-eleksyunista si Dimayuga sa May 2025 election.

May panahon pa naman na mawala ang pagdududa sa katapatan ng kandidatong napisil at minamanok ni Mayor Dimayuga kung maipaaresto nito, mapakasuhan kay Major Fornolles at maipagiba ang mga istruktura ng pasugalan ni Ka Mundo sa Brgy. San Antonio!

***

Para sa komento: Cp. No. 0966406614