Advertisers

Advertisers

Bad Example na Congresswoman sa NCR

0 23

Advertisers

MASAMA ang pakikiapid ngunit mas nakakasuklam ito kung ang gumagawa ay isang public official. Ang mga lingkod-bayan ay tinitingala bilang ehemplo ng moralidad at integridad, ngunit kabaligtaran ang nangyari sa isang Congresswoman mula sa isang premyadong lungsod sa NCR. Sa halip na maging inspirasyon, siya pa ang sangkot sa isang eskandalo na sumira ng isang masaya at buong pamilya.

Ayon sa mga lumabas na blind item, ang Congresswoman ay nakipagrelasyon sa kanyang driver-assistant, na may asawa’t mga anak. Hindi ito basta-bastang pagtataksil. Ito’y isang garapal na pang-aagaw ng asawa na nag-ugat pa pala noong councilor pa lamang ang bad example na Congresswoman.

Wala raw bahid ng pagsisisi ang Congresswoman. Sa halip, tila ipinagmamalaki pa niya ang kanilang relasyon. Bitbit pa niya si Lover Boy sa Kongreso, kung saan umaasta itong “First Gentleman.”



Kung tutuusin, mas mabigat ang pananagutan nina Congresswoman at Lover Boy bilang public officials dahil sila ay saklaw ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Ang Code of Conduct na ito ay naglalayong tiyakin na ang bawat opisyal at kawani ng gobyerno ay sumusunod sa mataas na pamantayan ng moralidad at propesyonalismo. Sa kasong ito, malinaw na nilabag nina Congresswoman at Lover Boy ang Code of Conduct.

Bukod sa moral na isyu, may pananagutan din sa batas ang dalawa. Bilang empleyado ng gobyerno, maaaring tanggalin si Lover Boy ng Civil Service Commission dahil sa kanyang imoralidad at panloloko sa asawa. Samantala, ang Congresswoman naman ay maaaring maharap sa ethics case sa Kongreso na maaring magresulta sa suspensyon o pagkatanggal.

Pwede rin silang kasuhan ng kasong kriminal na may parusang pagka-bilanggo.

Samakatuwid, ang kanilang relasyon ay hindi lamang pribadong isyu—ito’y malinaw na paglabag sa batas at lalong higit sa tiwala ng bayan.

Hindi ito usapin ng simpleng pagtataksil lamang. Ang Congresswoman ay hindi basta-bastang tao. Siya ay produkto ng tiwala at suporta ng kanyang lungsod. Sa halip na suklian ang tiwala ng mga residente ng premyadong lungsod, nagdala siya ng eskandalo at kahihiyan.



Sa halip na ayusin ang kanilang pagkakamali, mas garapalan pa ang kilos ng dalawa, na tila walang iniintindi kundi ang sarili nilang kagustuhan.

Ngayong Kapaskuhan, nawa’y magsilbing aral ito sa lahat, lalo na sa mga lingkod-bayan. Ang integridad at moralidad ay hindi opsyonal sa isang public servant; ito ay obligasyon. Ang ganitong uri ng pagkakamali ay hindi dapat balewalain. Ang mga public official tulad ni Congresswoman ay dapat managot—hindi lamang sa batas, kundi sa mga taong kanyang sinumpaang paglingkuran nang buong katapatan.

Kung siya ay hindi mapagkakatiwalaan sa sarili niyang buhay, paano pa kaya sa responsibilidad niya sa mas malaking pamilyang Pilipino? Kailangang itakwil at wag na muling pagkatiwalaan ang mga public official na katulad ni Congresswoman.