Advertisers

Advertisers

ERIC BUHAIN PA RIN!

0 17

Advertisers

TUNAY na maigsi ang isang termino sa mahusay, masipag at dedicated public servant partikular bilang isang kinatawan ng distrito ng lalawigan.

Si Hon. Eric Reyes Buhain, ang incumbent Representative ng unang distrito ng Batangas mula noong 2022 hanggang kasalukuyan ay nagsilbi sa kanyang nasasakupan tigib ng pagmamahal at dedikasyon para sa kapakanan ng mamamayan at ang resibo niya ay ang makikitang progreso ng distrito uno.

Napatunayan ng mga Batangueños sa kanyang district na tama ang kanilang desisyong ihalal si Buhain bilang kaninang Representative, pero ayon sa mga mayoryang konsernadong constituents, maikli ang tatlong taong termino bilang kanilang kinatawan sa House of Representatives sa dami ng mga kapaki-pakinabang na proyekto ni Cong.Eric ,ang instrumental sa implementasyon at may mga nasisimulan pa siyang programa para sa masa na kailangan pang ituloy sa basbas ng panibagong mandato.



Born winner at effective leader si Cong Eric ( La Sallista ) ay multi- crowned Southeast Asian-Games gold medalist noong 1985-1993 at naging national swimmer sa Olympics (1988-1992) hanggang maging chairman siya ng Philippine Sports Commission(PSC) at Games and Amusement Board (GAB).

Nasa dugo ang larangan ng sports partikular sa kanyang first love na swimming, si Cong Eric Buhain ay siyang pangulo ngayon ng Philippine Aquatics ,Inc. ( PAI) kung saan ay nakikinabang ang libu-libong kabataang swimmers ng bansa para matupad ang ambisyon at tulong- livelihood na rin sa mga atletang malapit sa kanyang puso

Si Batangas District 1 Congressman Eric Buhain ay kasado na ang kanyang reelection bid at alam ng kanyang constituents na kailangang ipagpatuloy ang mga proyektong kapaki-pakinabang para sa kanila.

Mga Batangueño sa Distrito Uno.. CONG.BUHAIN PA RIN! Abangan!

LOWCUT- FYI sa PCO ng PSC.Ang isang editor ng pahayagan ay di dapat dinidemote na reporter lang pagdating sa inyong mga imbitasyon.



Blunder yan sa kung sino mang pinuno ng media relations diyan sa ahensiya.Eh iyon ngang di kumokober o nagbibigay ng espasyo para sa PSC at ibinulong lang ay pasok pero meron kayong di kinikilalang legit..

IWAKSI din ang kulturang kurap.Iyong para kay Pedro sakto dapat at walang bawas,bukol o katkung..Paging Mr. CHAIR!