Advertisers
Ni Jimi Escala
SOBRANG napahanga ni Sofronio Vasquez ang lahat dahil sa pagkapanalo niya sa The Voice USA kamakailan lamang.
Siyempre, si Sofronio ang kauna unahang Pinoy na nagwagi sa naturang international competition.
Pinag uusapan si Sofronio pati ng mga sikat na singers dito sa Pilipinas, huh!
Banggit ni Martin Nievera sa interview sa kanya ng King of Talk Boy Abunda ay napahanga raw siya nang
kantahin ang “A Million Dreams “ mula sa The Greatest Showman sa finale ng naturang kompetisyon.
“I am sure Michael Buble (coach ng programa) gave all the great advice. But I texted him of the million dreams you have, save one for yourself. Because I know you are not dreaming for anyone else but for your family and the Philippines. But save one for yourself and you are already a winner. Those are the words I told him right before the competition and by God’s grace, he became the winner,” mahabang banggit pa ni Martin.
Dagdag pa ng Concert King ay sobrang happy daw siya sa narating ngayon ni Sofronio, kumbaga inilagay nito sa pedestal ang Pilipinas na pagkalipas ng dalawampu’t anim na seasons nito ay mula sa Pilipinas ang nagwagi.
“We all wanted that international fame and exposure, to be noticed. Filipinos have come and gone, third, maybe second. But no one has taken the title. He has The Voice by storm. To make it today, you need more than just a great voice and a good song. You need to have a calling. And his purpose was to make this country proud. An unselfish move because even though, he’s not yet in the business, he’s already taking something bigger than himself,” sey pa ni Martin.
Para pa rin kay Martin, mas marami pang Pinoy ang makikilala ang talento sa iba’t ibang panig ng mundo katulad ni Sofronio.
“He has done something none of us has done before. And that means, whoever follows, there is a chance for you. We have already been making waves in other industries, sports, makeup, architecture, now in our field,” lahad pa rin ng nag-iisang Martin Niviera
***
HIGIT na marami ang nakisimpatiya kay Rufa Mae Quinto sa dinanas ng Kapuso aktres na kontrobersiya ngayon, huh!
Kumbaga, mga kapwa celebrity ang isa isang nagbigay ng suporta kay Rufa Mae dahil sa kinaharap ng aktres na dalawang eskandalo at naglabasang intriga, huh!
Nagawa namang mag post ni Rufa ng kanyang mga larawan na may mga simpleng caption na “Kaya pa “, huh!
Komento rito ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla, “Kayang kaya… IKAW PA BA!”
Iba’t ibang encouraging words ang post ng mga netizens bilang pagtatanggol sa komedyana.
“Gogogo kaya mo yan!”
“Kaya yan Ms Ruffa Mae. Goo Goo Gooooooo”
“Stay beautiful and blessed! ”
“Laban!!!”
“Yessssss!!!! stay that way. Marami kami na napapasmile mo. Go go go.”
Naging laman ng mga balita si Rufa Mae matapos masangkot sa kontrobersiyal na “investment scam” patungkol sa isang skincare company, na naging dahilan kung bakit hinuli ng mga awtoridad ang “wais na misis na semi retired actress na si Neri Naig-Miranda.
Bukod dyan ay halos kasabay ding kumalat ang isang screenshot daw na isiniwalat ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, kung saan sinasabing hiwalay na raw sila, huh!
Ayaw namang magbigay ng kahit anong komento si Rufa Mae hinggil dito.
May mga kausap na abogado si Ruffa
Ayon sa legal counsel ni Rufa, haharapin daw ito ng aktres at lilinisin ang kanyang pangalan, huh!