Advertisers
Ni Oggie Medina
BAGO ako pumunta ng Starbucks sa 8 Forbes Town mall sa Bonifacio Global City sa Taguig City bilang meeting place (Disyembre 12, 2 a.m.) ng Team First Lady patungong Baguio Mansion sa Baguio City para sa isang coverage ay nanood muna ako ng first major concert ni Andrew E sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City noong Disyembre 11.
Mga special guest ni Andrew E sa concert ay sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Heaven Peralejo, Anygma, Sheree, at Sabalkuta.
Masuwerte ako na nakaupo ako sa VIP seat para mas makita’t madama ang concert ng taon. Katabi ko sa upuan ang kaklase ni Fordy, anak ni Andrew E.
Labis akong nag-enjoy sa musika at sa gabing kapiling si Andrew E.
Maraming salamat kina Mylene Yap Espiritu (ang butihing asawa ni Andrew E) at Jhobina Garcia (na pinadeliver pa niya mula sa Las Pinas City patungo sa bahay ko ang ticket).