Advertisers
KUMAMADA si Giannis Antetokounmpo ng 26 points, humatak ng 18 rebounds at 10 assists upang pamunuan ang Milwaukee Bucks na masungkit ang titulo sa NBA Cup sa iskor na 97-81 laban sa makulit na Oklahoma City Thunder Martes ng gabi sa Las Vegas.
Milwaukee ang team na nging second winner sa Cup,kasunod sa Los Angeles Lakers’ championship sa inaugural tournament nakaraang season.
Damian Lillard nagdagdag ng 23 points para sa Bucks.
Shai Gilgeous-Alexander pinamunuan ang opensiba ng Thunder sa iniskor na 21 points pero nag shot ng 8-for-24 mula sa field, kabilang ang 2 of 9 mula sa 3-point range. Jalen Williams nagdagdag ng 18 points on 8-for-20 shooting,habang si Isaiah Hartenstein nagdagdag ng 16.
Pinamunuan ni Lillard ang Bucks sa 11-point lead ng magpakawala ng isa sa kanyang signature log range 3-pointers sa 9:8 nalalabi sa third quarter. Ang bucket ay ginawa kasunod ng back-to-back technical fouls sa Thunder forward Luguentz Dort at coach Mike Daigneault, tinawagan ng 2 free throws at naipasok ni Lillard.