Amnesty sa mga delingkwenteng RPOs, dineklara ni Mayor Honey
Advertisers
NAGDEKLA si Manila Mayor Honey Lacuna ng amnesty para sa ilang real property owne (RPOs) sa lungsod na mga mga delingkwenteng accounts, kasabay ito ng kanyang panawagan na magbayad na bago mag- December 31, 2024 para makaiwas sa pagbabayad ng penalties at interest na naipon mula sa kabiguan nilang magbayad ng tama sa oras. that have accumulated owing to their failure to pay on time. Mayroong 120,000 RPOs ang kabisera ng bansa.
Ayon sa alkalde , kapag tapos na ang deadline, ang mga nanatiling delingkwenteng ay pagbabayarin muli ng panibagong interests at ito ay sisingilin ng buo.
Nabatid mula sa city treasurer Jasmin Talegon na nagdeklara ang alkalde ng amnesty upang bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga delinquent taxpayers na makabangon, dahil iniisip ng alkalde na ang dahilan ng kanilang kabiguang magbayad ay dahil sa hirap ng buhay dala ng pandemya kung saan di pa nakakabawi ang mga ito.
Ayon pa dito, ang amnesty ay sinasaad sa Manila Ordinance No. 9082 na pangunahing ini-akda nina Manila Councilors Philip Lacuna, majority floorleader Jong Isip, Jr. at Macky Lacson.
Ipinaliwanag ni Talegon na dati ang implementing rules ng Ordinance 9082 ay nagbibigay lamang ng amnesty sa mga accounts na hanggang June 2024. Sa bagong ordinansa ay ay napalawig ito sa mga may delingkwenteng accounts hanggang December 2024.
Hinimok ni Lacuna ang lahat ng real property owners na magbayad dahil malayo ang mararating nga kanilang ibabayad sapagkat matutulungan nito ang pamahalaang lungsod na masustina ang mga proyekto sa social services, lalo na sa sitwasyon ngayon kung saan nakasadlak sa P17.8 billion utang ang lungsod mula sa utang na iniwan ni ex-Mayor Isko Moreno.
Sinabi pa ng alkalde na maaaring magbayad sa Manila City Hall o online, via Go Manila app na dinisenyi para magbigay ng kombinyente sa mga taxpayers may na maaaring gawin ang pagbabayad sa bahay at hindi na kailangan pang bumiyahe. (ANDI GARCIA)