Advertisers
Arestado ang 25-anyos na pekeng pastor na isang taon ng nagtatago sa batas sa kasong statutory rape, anti- violence against women at child abuse ng Marikina PNP.
Kinilala ni P/Lt. Aladin Alingas, ng Barangka Police Sub-Station -2 Commander ang naarestong suspek na si John Paul Benjamin y Bayubo alyas John Benjamin Jardencio at John Paul Diwa Benjamin, 25-anyos nakatira sa Block 8, Villa Leyva 2, Brgy., Sta Cruz Antipolo City.
Dakong alas 3:00 ng hapon kahapon ng madakip ang suspek ng mga tauhan ni Lt. Alingas na sina Pat. Eric Montoya at P/SSgt. Diomar Atendido sa kahabaan ng St. Mary Avenue kanto ng Mary Mount St., Provident Village, Brgy., Tañong Marikina City.
Dinakip ang suspek base sa mga warrant of arrest na inilabas nina Hon. Mohammad Aquil A. Tamano, Presiding Judge, RTC branch-77 ng San Mateo Rizal.
Sa kasong 3 counts ng Statutory Rape at bench warrant na isyu ni Hon. Maribeth S. Rodriguez Manahan Presiding Judge ng RTC branch-175 San Mateo sa kasong Anti-Violence Against Women at paglabag sa Children Act of 2024.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerald Alvarez, hindi pinahihintulutan sa unang kaso na makapaglagak ng piyansa ang suspek habang P2,000 pesong piyansa naman sa ikalawang kaso.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng Marikina PNP. (Edwin Moreno)