Advertisers

Advertisers

Malapit na, lilinis uli, magiging  panatag uli at masigla ang Maynila  sa 2025 sa pagbabalik ni Yorme Isko!

0 47

Advertisers

ILANG oras na lang, Pasko na! Kasunod nito, ang pagsalubong natin sa Bagong Taon ng 2025.

Una na akong babati dear readers; Maligayang Pasko at mabuhay tayong lahat!

***



Dahil sa hiling ng ilan nating tagasubaybay ay narito po ulit ang kolum na ating inilathala nitong nakaraang Biyernes, December 20 na may titulong: Sa pagbabalik ni Yorme Isko, muling sisigla, muling lilinis at papanatag ang buhay sa Maynila sa 2025!

HINDI na namin siya bibitawan!

Mandin ay isang sumpa ito, isang pangakong itinaga sa bato, ng mga supportter ng Yorme Isko ( Francisco Moreno Domagoso) noong mag-file siya ng certificate of candidacy (COC)  kasama ang running mate na si Chi Atienza sa SM Manila noong Okt. 8.

Bago magpasiya na tumakbo uling alkalde, tumikim si Isko ng maraming batikos, panlalait, upasala sa mga dating kaalyado.

Taksil. Walang isang salita. Hindi tunay na kaibigan at kapamilya ng dating bise niya, ngayon, ay Manila Mayor Honey Lacuna.



Itinakwil na raw ni Yorme Isko ang pangako sa kanyang kinikilalang “ama” at mentor sa politika na si dating Vice Mayor Danilo Lacuna — ama ni Honey.

Paano raw pagtitiwalaan ang isang lalaking walang palabra de honor at taksil sa pagkakaibigan.

Natatapos ang pagkakaibigan kung ang katumbas at kapalit ay ang katapatan sa mamamayan, sa bayan!

Mula noon, at ngayong papasok na ang 2025, malinaw na, ang pangakong hindi bibitawan si Isko, si Chi at mga kasamang aspiranteng konsehal at kongresista ng mga supporter sa SM Manila, ay patuloy sa pagdami, kumpol-kumpol na, laksa-laksa na, at maging ang mga political analyst na nagmamasid, iisa ang konklusyon.

‘Yorme, ISKOming back; isa pang Atienza ang maglilingkod sa Maynila.

Sa isang news item sa Politiko.com.ph wala nang nagawa si Honey kungdi ang aminin– sa laban pa lang sa social media, sila ni Servo ay maliwanag na ‘Losers,’ ‘Talunan’ at posible nga na sa Mayo 2025 ay magsimula na silang mag-empake at umuwing luhaan.

Sa mensahe ni Yorme matapos mag-file ng kandidatura, sino ang una niyang naalaala, ang ating mga lola at lola.

Sabi niya, for the first time in the history of Manila, sa pag-upo niya sa cityall, nagkaroon ng allowance for senior citizens.

Kahit hindi botante ng Maynila, maysakit o wala, may tinatanggap na retroactive [allowance].

Binura ni Isko ang patakaran na pag hindi nakuha sa oras o araw ang alawans, forfeited na: hindi na makukuha, at iyon ay sapat nang magdamdam, sina lolo at lola, at ang konting biyaya ay naipagkakait pa.

Bawal na sa panahon ni Yorme Isko ang forfeit na alawans — na inuugali ngayon ng Honey-Servo tandem.

May mga batikos sa kanya — walang patlang, tuloy-tuloy — ng kanyang Ate Honey, at ang mga paratang na kuno ay ibinaon sa utang ang Maynila, ay, kaybata pa, pero malilimutin si Mayora na lahat ng proyekto na pinondohan ng inutang ng lungsod, sino ba ang nagbigay ng pahintulot at patibay?

Ang City Council, ang mga konsehal at sino ang presiding officer noon, si Honey na bise-alkalde na siyang pumirma sa mga ordinansa at resolusyon na naging dahilan ng pag-utang na ginastos sa mga infra projects, response sa pandemyang Covid at mga kinumpuni, ipinatayong mga gusaling paaralan, Covid-19 Hospital at mga pabahay na Tondominium 1 & 2, Binondominium, pagpapaganda ng mga parke at marami pang programa na noon at hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng Manilenyo.

Simple lang ang sagot ni Isko sa mga batikos at upasala at masasakit na paratang at bintang sa kanya.

Hayaan ang mamamayan ng Maynila ang magpasiya sa Mayo 2025, lalong-lalo na ang mga lolo’t lola.

Kaya nga nitong nakaraang araw, may inilabas na Open Letter si Yorme Isko, at ito ang nilalaman ng liham:

“Minamahal kong lolo at lola, nanay tatay at mga Batang Maynila.”

Talagang una sa puso ni Yorme ang mga lolo at lola, kay-galang na batang Isko noon at hanggang ngayon.

“Nais ko lamang po na taos-pusong magpasalamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa aming grupo na Isko – (Yorme’s Choice) at sa mainit ninyong pagtanggap sa pag-ikot namin sa bawat sulok ng siyudad.”

“Kalakip po nito ang resulta ng last quarter 2024 survey ng SWS na nagpapakita ng inyong mainit at malakas na suporta sa amin.”

Itong mainit at malakas na suporta ay inaamin nina Dra Lacuna at VM Servo!

“Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat. Umaasa po kayo na ngayong darating na bagong taon, sa tulong ninyo at tulong ng Diyos, muli nating ibabalik ang masigla, malinis at mapanatag na pamumuhay sa Lungsod ng Maynila ngayong 2025.”

“Muli, on behalf of Isko-Chi, Yorme’s Choice and the team. Maraming-maraming  salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa aming grupo.”

Sabi nga ng mga tagasuporta ng grupong Isko-Chi, mabubuhay na naman ang matino, maasahan, mapagkakatiwalaang pamamahala sa siyudad.

Lilinis uli, magiging panatag uli at masigla ang Maynila sa 2025!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisuma@yahoo.com.