Advertisers

Advertisers

NEGATIVE LIST, SURVEY, AT IBA PA

0 55

Advertisers

SA PEBRERO mag-uumpisa ang kampanya, pero maigi ng malinaw kung sino ang ating ihahalal sa Mayo sa susunod na taon. Kapag naalis na ang mga hindi karapat-dapat, madali ng piliin kung sino ang mamarkahan sa balota. Marapat may sariling negative list ang bawat botante.

Sino ang huwag na huwag iboboto? Nangunguna sa listahan ang mga kabilang sa dinastiyang pulitikal o malaking pamilya na ang mga kasapi ay tanging pulitika lang ang alam na trabaho. Tulad ni Camille Villar. Wala akong nakikitang katwiran bakit iboboto ko siya bilang senador. Wala ipinakitang batayan si Camille nasa Camara de Representante siya. Kabilang lang siya sa mga Villar, ang pinakamayamang pamilya s bansa.

Hindi ko iboboto si Pia Cayetano at kahit si Pandaya, o Bong Revilla. Bukod sa wala siyang kakayahan, kabilang siya sa dinastiyang Revilla ng Cavite. Wala akong balak ihalal ang sinuman sa tiket sa pagkasenador ng administrasyon at Inferior Davao criminal syndicate. Hindi ako nagpapakamatay at mas lalong hindi ko nais na pahirapan ang bansa sa mga kandidatong yan.



Hindi ko iboboto ang mga kandidatong dala ng Iglesia ni Cristo (INC) at KoJC. Sayang lang boto. Wala silang panalo at panggulo lang at hindi totoong malakas sila dahil dala sila ng kanilang sekta. Ilusyon lang nila iyon. Hindi ko rin ihahalal ang mga galing ng showbiz. Marami sa kanila ang walang alam at anuman paghahanda sa puwestong hangad nila. Dapat tayong nadla na kay Erap at Jinggoy.

Hindi ko rin iboboto iyong mga siga, o mga taong nagpapanggap na astig pero gulaman o gulay sa loob. Mabuti na lang at hindi ako botante ng Davao City at hindi kandidato sa amin ang tulad ni Gongdi, Polong, at Baste. Sila iyung kung umasta ay siga, o maton. Akala mo hawak nila ang Filipinas. Maigi na maubos na sila sa 2025.

Ayon sa mga pag-aaral, narito ang mga pinakamabisang paraan ng pangangampanya: una, external billboards; pangalawa, social media; pangatlo, ads at jingles sa radyo at telebisyon; at pang-apat, ads sa print media. Kandidato ko si Teddy Casino sa Senado. Kasama niya si Heidi Mendoza, France Castro, Arlene Brosas, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

***

POST KO ito sa social media kahapon:



Huwag kayong masisindak sa mga resulta ng kung ano-anong survey. Hindi dahil nanguna sa survey si Kulas o Pilar, panalo na o may malaking pag-asa na manalo sa halalan. Hindi ganyan ang dynamics ng survey, s totoo lang.

Sa sandaling gumulong ang kampanya, marami sa mga kandidatong nahuhuli sa mga survey ang hahabol at lalampas sa mga nangunguna. Marami sa mga nangunguna ang malaglag. Maaari pa silang matalo.

Nakita ko iyan sa mga kampanya ni Ramon Mitra, Manny Villar, at Jojo Binay. Palagi silang nangunguna sa survey pero natalo sa halalan. Si Mitra, fourth prize lang noong 1992; si Manny Villar, third prize noong 2010; at si Jojo Binay, 4th prize noong 2016. Kaya hindi ako post ng mga resulta ng mga survey kasi iba-iba ang political dynamics ng bawat halalan.

Si Sonny Trillanes ay nakulong at hindi makapangampanya noong 2007. No. 53rd siya sa umpisa ng kampanya. Pero humabol at nanalo bilang ika-11 senador noong halalan na iyon. Huwag kayong padadala sa mga survey. Marami pang pwedeng mangyari sa sandaling mag-umpisa ang kampanya.

***

NOONG nag-uumpisa ako sa aking career bilang isang mamamahayag, isa sa mga salita ng aking mga patnugot na hindi ko kinalimutan, “big words don’t make big ideas.” Hindi dahil nakakagulantang ang sinabi ng isang pulitiko o lingkod bayan, totoo na iyon. Madalas na palpak iyon at hanggang salita lang siya.

Iyan ang aking kinapitan hanggang tumanda ako sa pagsusulat. Hindi ako nadala ni Gongdi kapag sinabi niya na magbibigti siya at magpapakamatay. Kilala ko si Gongdi. Hanggang saita siya at madalas, hindi niya tinutupad ang salita niya.

Hindi rin ako naniniwala kay Bato ng sabihin niya na “magpapaputol ng leeg.” Ang tingin k sa kanya ay nasisiraan ng bait. Hindi na siya normal mag-isip dahil aburido siya sa mga sakdal na kanyang haharapin. Hindi rin siya mananalo sa 2025.

Mayabang lang sila pero hindi abnormal sila.

***

MGA PILING SALITA: “KAWAWA ang mga bakla at tomboy sa U.S. Hindi sila kilala ni Donald Trumpo. Bawal ang LGBTQ++… Lalaki at babae lang.” – PL, netizen, kritiko

****

PAHABOL: Hindi ko rin ihahalal ang mga kandidatong astang siga o maton. Hindi sila dapat malagay sa poder dahil wala silang gagawin.